1

4 0 0
                                    

"Lods, Pagod na ko!" Sabi ko habang hinahabol ang aking hininga at huminto sa pag jojogging "Mauna ka na!"

huminto siya sa pag jogging at lumingon

"Pagod ka na agad?" tumawa siya

"Sorry, master! Weakshit po ako!" Sabi ko habang tinutukod ang aking kamay saaking tuhod at tumatawa "Nag jejelly na legs ko, mauna ka na! Sa Mcdo nalang tayo magkita! Mauna ka na!"

"Hindi na, sabay na tayo. Sasabayan na kita!" Sabi ni Kuya Miguel at naglakad papunta saakin

"Mauna ka na sabi eh!" sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya at inakbayan ako para magsabay na kami

"Pagod na rin ako eh!" Tawa nito

nilakad nalang tuloy namin papuntang Mcdo. Alas ocho ng umaga ng sinundo niya ako sa bahay namin para mag jogging kami at para kumain ng breakfast. Kanina pa siyang alas seis nag jojogging. Nagtatraining siya dahil sa susunod na buwan ay papasok na siya sa PMA, as in Philippine Military Academy.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya na ako sa condo namin at umuwi na rin siya sa kanila. Malapit lang naman ang condo nila sa condo namin, walking distance lang. Pero siya ang kadalasang pumupunta samin dahil tamad ako maglakad. Ang sabi niya'y bukas nalang siya pupunta dito saamin

"Grabe naman yan, Master!" Sabi ko habang nag pu-pull ups siya. Nasabi niya sakin na mag gy-gym siya ngayong hapon kaya pinuntahan ko siya

bumitaw siya sa gym equipment at lumingon sakin, gulat na gulat

"Gulat ka, Master? Nakakita ka ng Angel?" Sabi ko at nilagay ang kaunting takas na buhok sa likod ng tainga ko

"Gulat ako, nakakita ako ng monster!" sabi nito habang umiiling at tumatawa

"Ah, so funny yon?" Ngumiwi ako "Tabi jan, patry ako!" Sabi ko tapos finlip ang buhok para tamaan siya

"Wow, Ganda ka ghorl? Mukha kang kargador" asar nito at tinry pang mag hair flip kahit maikli ang buhok

sinamaan ko siya ng tingin

"Joke lang, Pikon!" tawa nito

"Joke lang, Pikon!" I mocked him

lumapit na ko sa gym equipment na pang pull ups. Hindi ko naman talaga balak mag gym, pumunta lang ako dito para manggulo hehe

"Hoy!" tawag ko sakanya "Hindi ko abot! kargahin mo ko!" Sabi ko

umiling naman siya at hinawakan ang bewang ko para iangat, nang maiangat niya na ako ay humawak na ako sa bar at unti unti niya na akong binitawan

"Pandak" he whispered pero narinig ko yon kaya bumitaw ako at hinarap siya, sinimangotan ko siya

"Excuse me? Ang kapal mo, 5'3 ako for your information! Ang yabang yabang mo proket 6 footer ka? ha?" dire-diretsong sabi ko

tumawa lang ulit siya "Pikon"

"I-angat mo ulit ako!" sabi ko at tinalikuran siya

inangat niya na ko at humawak na ko sa bar, tinry kong iangat ang sarili ko at hindi ko pala kaya

naririnig ko siyang tumatawa kaya tinry ko ulit para hindi mapahiya

"Miguel, help me" Bulong ko sakanya

He chuckled and then rested his hands on my waist. Binubuhat niya ako ng bahagya habang nag pu-pull ups. Nang maka 10 daya pull ups na ako ay nagpababa na ako sakanya

"Alis na ako" paalam ko sakanya

kumunot ang noo nito "Alis ka na agad?"

"yes, lods. Pumunta lang ako dito para guluhin ka sana hehe. Pag igihan mo ang pag gy-gym, Mr. Muscle!" sabi ko at naglakad na palayo

may mga nakarinig ng mga sinabi ko kaya medyo natawa

"Mr. Muscle ka jan?! Mr. Muscle amp!"

*HOY SAGUTIN MO TO. TUMATAWAG SI MIGUEL POGI. MAY SASABIHIN AKO SAYO*

nagising ako sa ring tone ng cellphone. Sinagot ko ang tawag at nilagay sa tainga ang cellphone ko

"Ano?!" Singhal ko

"WOW! I'm so proud of you! Ang aga mo nagising ngayon! Big girl ka na talaga!" Sabi niya at tumatawa

"Tangina! Tulog pa ko! Ang aga aga mo tumawag!" reklamo ko

"Ah, tulog ka pa! Nag sle-sleep talking ka pala!"

"Funny mo!" I sarcastically said

"Bumangon ka na! Punta ako jan!" excited na sabi ni Kuya Miguel

Bumangon na ako at pumunta sa kitchen para kumuha ng cereal at milk. Nagsalin ako sa bowl at pumunta sa couch para umupo at manood ng netflix

Habang kumakain ako ay bumukas ang pinto at may pumasok

"Asawa ko?! Asawa ko! Asan ka, Asawa ko?" Sigaw nito

"AHH! Tangina! Manahimik ka! Shut up!" inis na sigaw ko

"Hala nagmumura asawa ko! Bad yan, wifey ko!" madramang sabi nito

binato ko siya ng unan at tumama yun sa dibdib niya

"Good morning din saiyo, asawa ko!" sabi nito at lumapit sakin at naka pout para halikan ako kunwari

tinaas ko ang paa ko at nilagay ito sakanyang dibdib para hindi maka lapit sakin

"Ay masama timpla ng asawa ko, ayaw magpakiss!" tawa nito

"Miguel! Ano ba!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin

tumawa nalang ito at umupo sa tabi ko

"Doon ka!" masungit na sabi ko habang tinuturo ang kabilang couch

tumayo naman siya at lumpipat sa kabilang couch

"Ang sungit naman. Malapit na ko umalis tapos ganon pa. Hays, kawawa naman ako" Pagpaparinig nito

I glared at him at iniwas niya lang ang tingin niya sakin

***

*13 YEARS AGO*

"Kuya kuya! Paglaki natin, magpakasal tayong dalawa ha?"

"Sige!" Sabi ni Kuya habang nakangiti

"Di ka pwede magpakasal sa iba ah! Sakin ka lang magpapakasal" sabi ko at nagpinky promise kami

*9 YEARS AGO*

"Uy ha baka nakakalimutan mo yung promise natin" sabi ni kuya habang nag lalaro kami ng computer games

"Anong promise" tanong ko pero hindi ko siya tinitignan

Biglang na game over. Panalo ako, natalo ko siya wahahaha

"May amnesia ka ba?" Tanong nito saakin habang tinitignan ako ng masama

"Sa dami ng promise natin, di ko alam kung ano yung tinutukoy mo!" Giit ko

"Magpapakasal tayo diba?" Tanong nito

"Oo, ano tara laro tayo nung kasal kasalan?" Tanong ko

Ngumiti nalang siya at umiling

* 2 YEARS AGO*

"Hoy bawal ka mag boyfriend ha! Magpapakasal tayo!" Sabi ni Kuya habang binibigyan ako ng mapang asar na tingin

"Sabi ko sayo, hindi ko alam yung meaning ng kasal Dati! Bobo akong bata, hindi ko alam ibig sabihin non dati, ok?! Akala ko kasi dati ang kasal ay yung boy at girl na mag bestfriend! Akala ko dati pag kinasal ang boy and girl na magbestfriend, bestfriend na sila forever!" Depensa ko

"Wala hinde! Magpapakasal tayo!" Asar nito sakin

"Ayoko magpaSAKAL sayo!" Sabi ko at inirapan siya

Lumapit siya sakin havang tumatawa

"Lumayo ka nga! Naiinis ako sayo!" Sabi ko sakanya

Lunapit parin siya sakin at hinug ako hang tumatawa siya

***

My Soldier boyWhere stories live. Discover now