2

3 0 0
                                    


"Bilisan mo na sa paglaki!" Giit ni kuya

"Napaka yabang mong nilalang! Hoy Miguel! Alam kong 6 footer ka at mas matangkad ka kesa sakin! Pero hindi naman ako pandak! 5'3 kaya ako!" Sabi ko at inirapan siya

Tumawa lang siya

"Sure ka na ba?" Tanong ko sakanya

Nandito kasi siya sa bahay namin at nanggugulo

"Oo. Sure na sure na" sabi nito at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti

Next month kasi papasok na siya sa PMA.

Gusto ko maging supportive at gusto ko siyang supportahan sa lahat ng bagay pero parang di ko siya kayang supportahan dito. Pero sino ba naman ako para sabihin na wag na sigang tumuloy. Na wag niya nang habulin ang pangarap niya. Bata palang kami, gusto na niya maging sundalo, gusto na niya pumasok at magaral sa PMA

Buong araw ay nanood lang kami ng TV at nagkulitan, asaran at nagpikonan

Iniisip ko palang na aalis na siya ay naiiyak at nalulungkot na ko, pano pa kaya pag umalis na siya? Pano ba naman kasi, siya ang lagi kong kasama since only child lang ako. Siya naman ay may mas nakababatang kapatid, si Marco. Hindi pa kami pinapanganak, ay mag bestfriends na ang parents namin

Nung gabi na ay dumating na ang parents ko galing trabaho

Tumayo naman kami at nag kiss sakanila

Mommy at daddy ang tawag namin ni kuya Miguel sa magulang ko

Habang mama at papa naman ang tawag namin sa kanyang nanay at tatay

Maya maya ay dumating na si mama at papa kasama si Marco, dito sila mag hahapunan

Ayaw talaga ni mama na mag PMA si Miguel pero wala na siyang nagawa dahil ito ang pangarap ng kanyang anak

"Sa dami mo naman kasing pwedeng pangarapin, bakit pagiging sundalo pa?" Tanong ko habang kumakain kami

Tumawa lang ito at nagkibit balikat

"Ewan ko ba kasi sa batang yan!" Sabi ni mama na naiiyak iyak na

Natapos ang dinner at kaming dalawa ni Kuya ang maghuhugas ng mga plato

"Pano ba yan? Matagal tayong di magkikita?" Tanong ko

Tinitigan niya lang ako

"Bakit? Ano ginagawa mo?" Tanong ko "Gandang ganda ka nanaman sakin" Biro ko

"Tinatry kong imemorize ang mukha mo" sabi niya at nagpatuloy na sa paghuhugas ng plato

Nalulungkot talaga ako dahil aalis na siya. Ilang buwan o baka taon ko siyang hindi makikita at makakasama.

Lumalim na ang gabi at nagpasya na sila umuwi

Humiga na ako sa aking kama

Patulog na sana ako pero biglang nag ring ang cellphone ko

*HOY SAGUTIN MO TO. TUMATAWAG SI MIGUEL POGI. MAY SASABIHIN AKO SAYO*

Yan ang ringtone ko kapag si Miguel ang tunatawag. Siya ang naglagay niyan

Sinagot ko ang tawag niya

"Bat gising ka pa?" Tanong nito saakin

"Adik ka ba? Patulog na ko tapos mambubulabog ka" sabi ko

Tumawa naman siya sa kabilang linya

"Grabe ang bilis ng panahon. Dati rati pinapangarap ko lang na pumasok sa PMA. Tapos next month, makakapasok at mag aaral na ko dun" ramdam ko ang excitement niya.

"Goodluck sayo ha. Galingan mo" pagkasabi na pagkasabi ko nun ay pumatak ang luha ko.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nagsalita. Naririnig ko ang kanyang paghinga

Mga 20 minutes kaming ganon

"Sige na matulog ka na. Punatahan nalang ulit kita jan bukas" sabi niya

"Goodnight Kuya"

"Goodnight baby... Mamimiss kita ng sobra. I love you" yun ang huli niyang sinabi bago niya ibaba ang tawag




Kinabukasan katulad ng sinabi niya ay pumunta nga siya samin

"Grabe yon sir, madami akong magiging firsts na hindi ka kasama. I'm not sanay gago" sabi ko habang nag mimirienda kami ng pizza, si Marco naman ay natutulog sa sofa dahil napagod makipag laro samin kanina

"Oh you're not sanay?" He mocked me

"Yes! You were there sa halos lahat ng firsts ko! First day of school, first bunot ng ngipin, first jeepney ride. Hmm ano pa?" Sabi ko habang iniisip yung mga firsts ko kasama siya

"First time maguidance" he laughed

"Yeah, first time maguidance kasi nag cutting kasama ka!" i replied

"Wala ka sa eighteenth birthday ko" Sabi ko at ngumuso "Wala ka rin sa magiging first time ko magbar and magclub, sa first time ko magdrive, sa first day of school ko sa college"

"Babawi naman ako sayo pagkatapos ng college..." Mahinang sabi niya

"But we can't turn back time, you know..."

"But we can always create new memories. I can still be with you on your firsts"

"It's still different. You won't be there on my first heartbreak, you won't comfort me kapag i'm heart brokened kasi you're far."

"Wow, and who told you na pwede ka mag boyfriend? Kaya nga hindi ka pwedeng mag boyfriend, diba?" Irap niya "Tsaka, ano yan? Pinapangarap mo maging heart brokened? Ts!" umirap ulit siya at umiling

"I'm just saying!" sabi ko at bumuntog hininga

"I guess I need to find someone na makakasama ko sa mga firsts ko since hindi ka pwede. Hahanap ako ng taong kasama ko na mag-aalaga sakin sa first time ko malasing...." I trailed off

"So, papalitan mo ko?" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay

"Hindi naman, proxy lang ganon" I laughed "hahanap ako ng magiging first date ko at-"

"Excuse me? First date? May first date ka na po master" sabi niya at kinunot ang noo

ngumiwi ako "At sino naman?"

"Ako, duh!" irap niya "Lagi tayo nag dedate"

"Iba naman yon eh-" Pag rarason ko pero pinutol niya ko

"That's the same!"

"Whatever, pangit!" I rolled my eyes and at kumagat sa pizza "Ano ba yan, aalis ka pa kasi eh. Hahanap pa tuloy ako ng first kiss ko rin"

napatingin siya agad sakin at nanlaki ang mata, nang marealize ko kung ano ang sinabi ko ay nanlaki din ang mata ko at nagpanic. Umiling ako ng marahas at tinaas ang kamay at winave to gesture no

Tumaas ang gilid ng kanyang labi, he shamelessly smirked at me and raised his left eyebrow

"First kiss, huh?" teasing me

"Hindi!" Tanggi ko "Mali narinig mo!"

"Sige, papayag ako na magka boyfriend ka. Pero bawal ka makipagkiss. Reserve your first kiss to me. Once, you and I graduate we can have your first kiss together" sabi niya at humalakhak ng malakas

"That's not what I meant, Miguel!" frustrated kong sinabi at sabay iling

He just gave me a smirk at pinagtaasan ako ng kilay

My Soldier boyWhere stories live. Discover now