6

1 0 0
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan, naunahan ko pa ang alarm ko. Kumain na ako ng agahan at naligo. Nagbihis na ko at bumaba ng condo para hintayin si Andy. Napag alaman kasi nila na wala sila mommy kaya walang maghahatid sakin papuntang school kaya nagpresinta si Andy na sunduin ako. I'm really thankful, hindi ako mahihirapan pumuntang school dahil sakanya

Nang Makita ko ang kotse niya ay lumapit na ako. Binuksan ko ang shotgun seat

"Good morning!" ngiti niya sakin

"Hello! Good morning, Andy!" bati ko

"Pasok ka"

Sinunod ko ang sinabi niya

"Thank you sa pagsundo, lods! Thank you talaga!" sabi ko

He laughed "Walang anuman"

We talked while he was driving us to school. Tinigil niya ang kanyang sasakyan sa isang fastfood. Bumaba siya, baka bibili ng breakfast niya, kaya bumaba na rin ako. Maaga pa naman at hindi pa naman kami malilate kahit mag tagal kami ng kaunti. Medyo kinilig nga ako habang nag uusap kami at habang nag dadrive siya, ang gwapo kasi eh!

Pagpasok naming ay bumungad agad saamin si Neo, Jan, at Heidi.

Nagusap usap pala ang mga ito na magkikita kita sila dito. Nakaorder na sila pero hindi pa sila nagsisimulang kumain.

"Maupo ka na" ngiti sakin ni Andy

Umupo ako sa tabi ni Heidi

"So, today's Miguel's incorporation day, huh?" bungad niya

"Yeah"

Nakabalik naman kaagad si Andy, binilihan niya pa ako ng pancakes kaya kumain ulit ako ng pangalawang breakfast, nakakahiya naman kung hindi ko kakainin.

"Bakit pala sabay kayo dumating ni Heids, Neo? Sinundo mo?" Tanong ni Jan

Napataas ang kilay ko

"oo," Sabi ni Neo sabay inom ng tubig

Nilingon ko ang aking best friend, hmm may hindi ka sinasabi saakin ah?

Nagkatinginan kami at pinagtaasan ko siya ng kilay at nginisihan. You have a lot of explaining to do later, Ms. Silvestre. Mas lalong lumapad ang ngisi ko, matagal nang crush ni Heidi si Neo, 2 years na ata?

Pinanlakihan niya lang ako ng mata at bahagyang sinipa sa ilalim ng table, inapakan ko ang kanyang paa bilang pag ganti, ngumiwi naman siya saakin

Pagkatapos kumain ay nagmadali na kami papuntang school. Kay Andy parin ako sumabay at si Heidi ay kay Neo parin sumabay. Si Jan naman ay magisa sa kotse niya.

Hinatid pa kami nung tatlo sa aming classroom ni Heidi, Nang maka alis na yung tatlo ay agad kong kinurot sa tagiliran si Heidi "Lumalandi ang kaibigan ko, ah!"

"Enebe" Sabi niya at pinag dugtong niya ang kanyang dalawang hinututuro, nagkukunwaring pabebe

Kumagalpak kami sa tawa

Pumasok na kami sa classroom. Nag exam kami, nang nag alas nueve na ay lumipad na ang aking isip, alas nueve ang start ng incorporation ni Migs. Nahirapan na akong mag concentrate sa exam.

Napabuntog hininga nalang ako nang ipasa na ang test paper, I don't know if I did well, masyado na akong na distract. Bahala na si batman, sana pumasa ako.

"Uuwi muna ako ghorl. Hindi ko pa dala mga damit ko eh. Pupunta nalang ako sa condo niyo mamaya. Mga alas tres o alas quarto na ako pupunta ha!" sabi ni Heids "Magkikita din kasi kami ng cousin ko"

My Soldier boyWhere stories live. Discover now