3

4 0 0
                                    


Sumasayaw ako sa harap ng salamin nang mag vibrate ang cellphone ko, may nag text. Umupo ako sa kama ko at nakitang nag text si Miguel pangit

From: Miguel gwapings

Tara, labas

Nagtipa naman ako agad ng irereply. Gabi na nag-aaya pa gumala pero syempre gusting gusto ko naman hehe

To: Miguel gwapings

Parang tanga to si sir oh! Sana kaninang hapon mo ko inaya. Gabing gabi na sir nag-aaya ka pa gumala! San ba kasi?

Wala pang isang minute ay nagreply na siya

From: Miguel gwapings

Bar...? :))

Nanlaki ang mata ko at napatili. Na excite ako kaso hindi naman ako papayagan, at 17 palang ako. Nagtipa agad ako ng irereply

To: Miguel gwapings

OMG! I'm G sana! Kaso baka hindi ako payagan nila Mommy. And I'm underage pa, hindi ako makakapasok

To: Miguel gwapings

You can go without me. Ayain mo nalang friends mo

Humiga nalang ako sa kama ko at hinintay ang reply niya

From: Miguel gwapings

Omw

Napapikit ako dahil medyo antok na. Matutulog na ko since naka ligo na ako at nagawa ko na laha ng ritwal ko

"Hoy! Sabi ko on my way na ko! Tas ikaw on your way ka rin? To sleep ganon?" sabay pitik sa noo ko

Gulat na gulat ako, para akong aatakihin sa puso

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko at napaupo. Napatingin ako sa orasan, wala pang 10 minutes ako nakatulog

"Mag babar tayo, siz. May amnesia ka?" sabi niya at tinuro pa niya ang side forehead niya

"Tanga ka, siz? Hindi nga ako papayagan! Tsaka underage pa ko, lods, baka nakakalimutan mo?" sabi ko at ngumiwi

"I got you, napaalam na kita. Magbihis ka na dali" sabi niya at lumabas na sa kwarto ko

Ilang minutes pa ako naka-upo at pinrocess ang sinabi niya. Nang marealize ang gagawin namin, dali-dali akong tumayo at naghanap ng masusuot

"Ano ba naman kasi yan, Miguel! Masyadong biglaan! Wala akong damit pang bar! Teka, ano ba sinusuot sa bar?" Sabi ko habang naghahanap ng susuotin "Mag-dedress ba ko? Tangina di ko naman alam mga sinusuot sa bar eh!" frustrated kong sabi

Sa huli, nag black pants nalang ako at nagsuot ng gold sequined fitted cropped spaghetti strap at 4 inch heels. Buti nalang at mayroon akong ganitong top, ito mga nakikita ko sa Instagram na suot ng ibang artista eh. Kinuha ko din ang black ysl sling bag ko at nilagay ang wallet at cellphone. Nagmadali ako dahil paniguradong inip na inip na si Miguel, baka iwan ako non. Naglagay din ako ng kaunting make-up at kinulot ang dulo ng buhok ko

Lumabas na ko at nakita si Miguel na nag cecellphone

"Tara na"

"Ang tagal mo, akala ko natulog ka na" sabi niya at nag angat ng tingin para tignan ako, pinagtaasan ako ng kilay "Wow, bonga! Kaya pala ang tagal"

"First time ko to, lods, kaya ganun" kindat ko sakanya

"Lods, lalakarin lang natin papunta don" Sabi niya nang makitang naka heels ako

"Paalam na muna ako, ano sasabihin ko?" sabi ko

"Tulog na sila, napaalam na kita"

Tumango ako at nauna na palabras ng condo

My Soldier boyWhere stories live. Discover now