007

1 0 0
                                    


Bakas ng Umaga sa Naghihinagpis na Gabi

Sa panahon ng walang kasiguraduhan, mga isip na puno ng pangamba
Karahasan, kasakiman, kamatayan na wari’y kabayaran para sa Aba
Sino ang nasa tuktok? Sino ang nasa sulok? Sino ang patuloy na nagmumukmok?
Kanibalismo sa ekonomiya na parang droga, sino ba ang tunay na nalulugmok?
Pananagutan at responsibilidad sa bansa na kung itakwil mo
Parang kami si Crispin at Basilyo na nawala kay Sisa na sisinto-sinto
Sino nga ba ang tunay na nakatataas?
Ikaw na sakim o ang masa na sayo binigay ang basbas?

Hindi kalusugan ang dapat protektahan
Kundi ang aming buhay na inyong binabantaan
Pagsapit ng umaga, face mask ang nakatakip
Ngunit ina at kuya, sa pagsapit ng gabi tila telang puti ay sainyong nakatakip
Bangkay na ‘sing lamig ng Pasko!
Si Hesus ba ang nasa aking harapan?
Bakit tila ang mata niya’y walang bahid ng hinagpis?
Higpit ng hawak sa bata, ngayon ko napagtanto
Buhay ang apoy ng impyerno
Walang bakas ng Hesus ang nasa harap ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

talaWhere stories live. Discover now