![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nirayukan ang buong pagkatao ko
Sa mapanamantalang lipunan na ito
Dignidad at kalayaan, sino ang may sala?Sino ang tunay na bumihag?
Ito bang kaawa awang gusgos o
Itong hayop na tuso?
Pagka't ikaw na siyang tuso ang tunay na salarinBinihag mo itong aking buhay
Sa isang gatilyo, winaksan ang libo
Sa tatsulok na ito, ang nasa tuktok
Ang siyang tutusokAng kahabag-habag na nasa baba
Ikaw ay bangkay na dilat
Sapagkat humihinga
Humahangos ka sa hirap ng buhaySino ang dapat managot sa lipunan?
Ang tusong tuktok
O
Ang bangkay na kahabag-habag
![](https://img.wattpad.com/cover/204365828-288-k923935.jpg)