Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kung saka-sakaling ika'y masilayan kong muli Sana ay 'wag lilimutin ang sinimulang pag-ibig Saksi ang langit at tala sa pagmamahalang nagniningning Dito sa puno na ating ginuhitan ng tamis at pait ng bawat pagsasama natin Mabatid mo sana na ako'y patuloy na magmamahal at aalagaan itong alaala Sa paglubog ng araw, unti-unti kang bibitaw at ako'y mamamanglaw Sa kalmadong pag-agos ng ilog, aking irog ika'y mababaon sa limot Ang paghilom ng sugat ng nakaraan ay sa'kin balang araw darating B abangon muli sa pagdausdos