Marahil nga ay hindi sapat ang mga salita
Upang maglahad at maparamdam sayo ang nagbabadya
Ang nagbabadyang agos ng damdamin, na tayong dalwa'y mga saksi
Sa ilalim ng mga talang nagniningning
Sa bawat pintig ng puso at animo'y mga paru-paro sa aking sikmura
Sana'y maipaabot sayo ang lihim na na liham kong ito
Saksi ang kalangitan sa unos ng salitang naukit ng aking pluma
Saksi ang mga ibon na nagliparan tulad ng puso kong malaya na sa pighati at pag-tangis
Dito sa lawa na ito'y naging puno ng luha na, ngunit ang luha na ito'y napalitan ng lubos na ligaya at tumuloy na ito sa pag-agos