![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tahimik na ang paligid
Ngunit luha ay nangingilid
Magdamagang pagmumuni-muni
Sinta, alintana mo pa ba ang pusong munti?Wasak na ang puso dahil sa pagod
At puso mo'y pagod na sa pagiging wasak
Bawat araw na lumipas
Hindi nasilayan ang ulap na mahinang umuugongNagbabadyang pag-ragasa ng tubig
Ramdam ko na ang pananalupig
Hayan na naman ang nagbabadyang luha
'Di mapalis palis ang luhang ginawang lawa
