Sa pagkumpas ng aking kamay
Wari ko ay batid mo na
Sa paggalaw ng mga dahon sa puno sa silangan
Wari ay batid mo na ang paglagas nito
Sa pagsulyap ng ulap sa kalangitang minsan nang napuno ng kadiliman
Wari ay batid mo na ang umagang darating
Ang pusong walang ibang inalala at dinamdam kundi ang iyong paghagkan sa bisig ng iyong ina at sa alaala ng kabataan mong kailanma'y hindi pinagdamot ng sinuman
Wari ay batid mo na ang oras na paparating
Ang siyang Nilalang na nakamasid sa iyo sa nagdaang panahon
Wari ay batid mo na ang katandaan
Wari ay batid mo na ika'y nilapasan ka na ng panahon