Strangers with Memories

13 3 1
                                    

(Revised version of "Bags In front")

Maigi kong sinuri ang nakasulat sa aking kwaderno nang narinig ko ang boses ng aking mga kaklase.

"Uy hala, parating na si Ma'am! Ayan na si Ma'am!" Pahayag ng isa sa kanila. Muli kong sinulyapan ang kwaderno bago ko ito itinago sa bag at umayos ng upo.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Bati ng guro sa amin. "Handa na ba ang lahat para sa pagsusulit?" Magiliw na tanong nito sa amin.

Halo halo ang sagot ng aking mga kaklase. Mayroong sumagot ng 'oo' , mayroon din sumagot ng 'hindi' at ako naman ay ngumiti lamang.

"Bago tayo magsimula, maaari bang dalhin sa harapan ang inyong mga bag?" Pakiusap ng guro habang inaayos ang mga kagamitan nito. Agad naman namin itong naintindihan at isa isa kaming nagtayuan papunta sa harapan.

Bitbit ang aking bag, humanap ako ng pwesto para ilapag ito. Nang matanaw ko ang mga bag ng aking mga kaibigan ay linapitan ko ito. Binalak kong itabi ang aking bag nang may makabunggo itong bag mula sa aking kaliwa.

Nagtama ang aming paningin at kami ay napatulala nang makita ang isa't isa. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at tila nabato sa kinatatayuan nang dahil sa gulat. Bumilis ang tibok ng aking puso nang masilayan kong muli ang mga mata nito.

Tila napakabilis ng pangyayari. Nang kami ay matauhan, pareho naming binitawan ang aming mga bag sa kung saan namin ito nabitawan at nagmadali kami sa pagbalik sa aming mga upuan.

Lutang akong nagsasagot ng aming pagsusulit. Nagbalikan ang mga alaala sa akin na nagbigay sakin ng ngiti ngunit puno ng lumbay. Nilingon ko siya sa kanyang upuan na nakatuon ang pansin sa kanyang sinasagutan.

Nais ko siyang tanungin kung bakit kami hindi na muling nag-uusap dahil lang sa pagkakamaling hindi ko naman sadya. Ipinilig ko ang aking ulo at pinilit na alisin ito sa aking isipan.

Dahil kahit pa anong gawin ko, nangyari na ang nangyari. Dapat kong itatak sa aking utak na mula nang araw na napagdesisyonan naming tahakin ang magkaibang daan, isa na lang kaming estranghero sa isa't isa na nagbigay ng masasaya't malulungkot na alaalang mananatili na lang sa nakaraan.

𖦹❀𖦹❀𖦹❀

Hey there, I'm adding this here just because. It was my entry sa activity namin in Fil :3

with all my best,
gwenchantress <8

Miscellany Of Stories Where stories live. Discover now