Three Wishes Granted

21 5 2
                                    

(T.W: MENTION OF BULLYING, FAMILY ISSUES, AND DEATH)

Sinusundan ko ngayon ang babaeng bibiyayaan ko ng tatlong kahilingan. Nakitaan ko siya ng kabaitan kaya isa siya sa aking mga napiling nararapat mabigyan ng Three Wishes.

"Hey." Pukaw ko sa kanyang atensyon. Lumipat ang tingin nito sa aking kinaroroonan. Bahagya itong ngumiti at lumapit sa akin..

"Ano po 'yon?" Magalang nitong tanong. Nilabas ko ang aking mahiwagang panulat at inabot sa kanya.

"Aanhin ko po ito?" Tila nagtataka nitong tanong.

"Write three wishes. I'll grant them all." Simple kong utos. Napangiti naman ito dahil sa sinagot ko. Halatang hindi ito naniniwala sa akin.

"Talaga? Hmm." Anito at umastang tila nag-iisip. "Well, kung totoo man ito o hindi, susulat na lang ako, ah?" Malamyos nitong sambit bago sinimulan ang pagsulat sa kanyang kwaderno.

Ilang saglit lamang  ang mapansin kong tumigil ito sa pagsusulat ay inilahad ko ang aking mga kamay. Inabot niya sa akin ito, pati ang mahiwagang panulat na ibinigay ko sa kanya.

"Kapag binasa ko nang malakas sa harapan mo ang iyong mga kahilingan, magkakatotoo ito." Kalmado kong paliwanag. Tumango tango ito kahit bakas pa rin sa kanyang mukha na hindi ito naniniwala.

"My schoolmates will stop bullying me." Pagkabasa ko ng unang kahilingan ay bahagya akong natigilan. Ilang segundo lamang ay nabato ito nang lapitan siya ng isang grupo ng mga babae at nanghihingi ng tawad sa kanya.

Nang umalis sila ay dahan dahan itong napatangin sa akin, tila hindi makapaniwala. "You really can!" Nagagalak nitong sabi.

"Do you want to change some of your wishes?" Kalmado kong tanong, upang masiguro kung ito ba ang nais niyang matupad. Umiling ito.

"Can you please grant all of them? I've been wishing for it since I was 12." Mataman ko siyang tinitigan pagkatapos pasadahan ang mga nakasunod sa listahan. It is her wishes. I must grant them.

"Make my Mom and Dad love each other again, forever this time." Mabagal ngunit maayos kong bigkas.

Ang dalagang mabait at may maamong mukha, nakukutya sa paaralan at hiwalay pa ang mga magulang. Nginitian ako nito nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Inuudyok ako gamit ang kanyang tingin na tuparin ang huling kahilingan nito.

Ibinalik ko ang aking tingin sa papel at sinimulang bigkasin ang huling nakasulat dito. "Erase me from everyone's memories and --" Napatigil ako nang maintindihan ang nais nitong mangyari.

"Binibigyan kita ng pagkakataon para baguhin ang huli mong kahilingan." Paghihikayat ko rito, inaabot muli ang kwaderno pati ang mahiwagang panulat. Tumanggi ito at itinulak pabalik sa akin ang mga ito.

"It's okay. I insist." Pagtitiyak nito. "Gustong gusto kong matulad iyan noon pa, kaso wala akong lakas para gawin 'yan sa sarili ko." Pagbabahagi niyo, halos mabasag ang kanyang boses sa pagpipigil nitony maluha. "I'm tired. Can you please do me a favor and grant it?" Pagmamakaawa nito sa akin.

"I can't undo wishes unless someone else wishes for it." Huli kong paalala. Tumango pa rin ito bilang tugon. Tinitignan ko ulit ang kwaderno bago nagsalita ulit.

"Erase me from everyone's memories... and die peacefully." Pagkabigkas ko ng huling kataga ay unti unti siyang naglaho sa aking harapan. Inangat ko ang aking tingin sa kalangitan. The kindest people struggle the most, don't they?

Inilagay ko ang mahiwagang panulat sa aking bulsa, gumamit ng mahika upang makuha ang mga kahilingan nito,inilipat sa aking aklat na punong puno ng kahilingang aking tinupad.

Three Wishes Granted.

𖦹❀𖦹❀𖦹❀𖦹

First ever fantasy story. This was actually my entry for an activity in my old writing hood. I wasn't able to write a good horror story yet, but they allowed me to write fantasy. I accepted the challenge since I've always wanted to write one. I hope it turned out well.

If you ever read a similar story and flow (because I rewrote this one and tried to improve it), most likely, it was me. Jung Da Won was my port (I didn't name it Jung Da Won, though). I hope you liked it.

with all my best,
gwenchantress  <8

Miscellany Of Stories Where stories live. Discover now