Bittersweet

24 7 12
                                    


"[Call me back pagkatapos mo dyan, okay? I'm going to fetch you.]" Malambing na paalala nito mula sa aking cellphone.

"Pwede itext na lang kita? Baka mabingi ka kapag ikaw nasigaw sigawan ko kapag hawak ko na yung libro." Hindi mapakali kong ani habang tinatahak ang daan patungo sa book store.

Narinig ko ang paghalakhak nito mula sa kabilang niya. "Alright. Kung anong gusto mo, Alphabet. Promise to keep me updated, okay? Later, baby. I love you." Hindi ko maiwasang kiligin sa mensahe ng aking boyfriend bago ibinaba ang tawag. He didn't even give me a chance to say it back.

Nang mailagay sa bag ang phone ay ipinagpatuloy ko ang pagtahak ng daan patungo sa book store. Bagong labas ang aklat at habang maaga pa'y dapat na akong mabili ng sarili kong kopya.

Palaktaw laktaw pa akong maglakad pagkapasok ko ng book store. Agad kuminang ang aking mga mata nang makitang may isang aklat pang natira.

Hindi ko sigurado kung mabilis lang ba itong ma-sold out o sadyang ang depinisyon ko ng 'maaga' ay late na pala?

Mabilis kong nilakad ang pagitan mula sa entrance hanggang sa tapat ng estante na ikinalagyan ng aklat. Agad ko itong kinuha at niyakap. So this is fate. This is destiny. It's meant to be mine!

Masaya akong naglakad papuntang cashier nang may marinig akong usapan. Napatigil ako sa paglalakad nang dahil dito.

"Hala, wala ng copy nung book?" Ani ng maliit na tinig ng isang batang lalake, mukhang hindi tataas sa anim ang taon.

Sumagot naman ang lalaking mukhang tagabantay nito."They displayed all the copy na raw eh. So, maybe matatagalan pa bago magkaroon ng bagong stock."

"B-but, I want that book, Kuya. Ate likes that story a lot. I-i want to give it to her para we can make up na." Halata sa boses ng bata ang pagpipigil sa nagbabadyang pag-iyak nito. Napalingon ako sa kinaroroonan ng bata.

"Pero wala ng copy eh. Let's choose another book. Ate will appreciate it." Paniniguro nito upang maalo ang bata. Naramdaman ko ang pagdurog ng puso ko nang makita ang naiiyak na mukha ng bata.

"Come on, we'll give her that book once new stocks arrive, okay?" Pagyayaya nitong muli nang makitang nakatitig pa rin ang bata sa may estante. Aww

Binuhat ng lalake ang bata bago ito muling inalo. Isinuksok ng bata ang kayang mukha sa leeg ng kuya nito.

I can't take this. It's too heartbreaking.

Naglakas loob akong hinarang ang lalake nang makalapit ako sa kanila. Napintahan naman ng pagtataka ang mukha ng lalake na akin lamang nginitian. Kinalabit ko ang batang buhat nito. Napatingin naman ito sa'kin, naluluha ang mga mata, namumula ang mga pisngi, at nakanguso ito. What a cutie.

"Perhaps, are you looking for this?" Malambing at mahinahon kong gitano. Nang mapansin ko ang pagkinang ng mga mata nito, na nasundan ng pagtango ay inilahad ko sa kanya ang libro. Tinitigan niya lang ito.

Inangat nito ang tingin sa akin. Alanganin pa itong kunin ito sa aking palad, ang mga mata nito'y nangungusap na tila nanghihingi ng permiso. "It's okay, sweetheart. Hindi ko pa naman nababayaran eh." Pag-uudyok ko rito. "Tsaka, nagbago na rin kasi ang isip ko. Ibang libro talaga ang gusto kong bilhin. Hinawakan ko lang siya kasi namimili pa lang ako."

Nginitian niya ako at dahan dahang kinuha mula sa akin ang libro. "Thank you po, Ate!" Nagagalak na sambit nito. Napangiti ako nang dahil sa pag-angat ng energy nito.

Miscellany Of Stories Where stories live. Discover now