Napindot

22 9 3
                                    

Wala akong ibang mapagkaabalahan kung kaya't ginugol ko ang aking oras sa pagvi-view ng mga myday ng aking mga facebook friends. Summer vacation na at lahat sila'y nagsisipag-outing'an at nagdadagat na. Dagat na dagat na rin ako!

Iniinggit ko ang aking sarili sa pagpapatuloy na pagtingin sa mga gala't outing ng aking mga kaklase't iba pang kakilala. Sana all na lang talaga.

Nadaanan ko naman ang story ng aking kaklaseng isang ganap na memer. May entry na naman siyang meme tungkol sa summer vacation na dahilan ng paghagalpak ko.

Nang umakto akong pipindutin ang 'haha' reaction sa may bandang baba ng screen ay saktong lumipat naman sa kabilang slide. Hindi ko na napigilan ang pagdapo ng aking mga daliri rito.

Tinignan ko ang kabuuan ng screen, agad nanlakihan ang aking mga mata nang dahil sa tumambad sa akin. Story ng iba ang napindutan ko ng 'haha' react. Ngunit nang makilala ko ito ay halos lumuwa na ang mga mata ko.

Ang natatanging girlfriend lang naman ng ex ko, ngunit sa tingin ko'y mastamang sabihin na ex na rin siya nito. Ang nilalaman ng story ay tungkol sa kanilang hiwalayan. Agad akong humagalpak sa tawa. Cheaters work hard, but karma works harder!

Inubos ko muna ang tawa ko bago nagsad react sa story nito bilang pagkukunwaring nakikiramay sa sakit na nararamdaman niya. Itinigil ko na rin ang pagtingin tingin dahil nasiyahan na ako sa nakita ko ngayon.

Ilang sandali pa ay nagchat na ang babaeng parte ng pangloloko ng aking ex boyfriend.

_____

Elliz
Active Now •

You bitch! Ang kapal ng mukha mong matuwa after ng break up namin ni Nash!

You bitter ex ni Nash! Tuwang tuwa ka ngayong wala na kami? How immature of you! Ha!

➡️You replied to Elliz
You bitter ex ni Nash! Tuwang tuwa ka ngayong wala na kami? How immature of you! Ha!
Ha?!Hala iniwan din HAHAHAHAHA

➡️You replied to Elliz
You bitch! Ang kapal ng mukha mong matuwa after ng break up namin ni Nash!
Ay, napindot lang eh. Kalma, isipin mo na lang na hindi kayo hanggang dulo kasi karma mo yan

➡️you replied to yourself
Hala, napindot lang eh. Kalma, isipin mo na lang  na hindi kayo hanggang dulo kasi karma mo yan
Ay hala, napindot ulit HAHAHAHAHAHA

➡️Elliz replied to you
Ha?!Hala iniwan din HAHAHAHAHA
You bitch, putangina mo.

➡️Elliz replied to you
Hala, napindot lang eh. Kalma, isipin mo na lang na hindi kayo hanggang dulo kasi karma mo yan
Shut the fuck up! Siguro'y sa tuwa mo ngayon, nilalandi mo na si Nash!

➡️you replied to Elliz
You bitch, putangina mo.
HAHAHAHAHA paano yung galit?

➡️you replied to Elliz
Shut the fuck up! Siguro'y sa tuwa mo ngayon, nilalandi mo na si Nash!
Landi? Sorry pero diba, ikaw yung kayang kaya gawin yon?
HAHAHAHA ipapasa mo pa sakin kaugalian
mo ghOrl HAHAHAHAHA

_____

Aliw na aliw ako sa pangaasar kay Elliz. Masama man, ngunit I can't get enough of it. Especially when I used to be treated like shit.

Miscellany Of Stories Where stories live. Discover now