Across the Past

43 8 0
                                    

Tinahak ko ang daan patungo sa National Book Store. Ngayong araw na ito kasi inilabas sa buong bansa ang aklat na matagal ko na ninanais bilhin.

Argh! Baka maubusan ako!

Lakad-takbo na ang ginawa ko. Kung maari nga'y tatakbuhin ko nang deretso kaso baka hindi kayanin ng wedge ko, isa pa ay baka matapilok pa ako.

Nang matanaw ko ito ay dere-deretso na akong pumasok tsaka pumunta sa book section. Sinubukan ko pang maghanap sa mga shelves ngunit dahil sa taranta ko'y hindi ako makahanap nang maayos.

Nang may mahagilap akong Saleslady ay agad ko itong nilapitan.

"Miss, asaan yung mga new arrivals dito? Yung pinaka-latest?" Kabado kong tanong. Baka kasi ay out of stock na. Well-known book pa man din ito.

"Ah, Ma'am. Andoon po siya sa pangalawang shelf po, sa may bandang entrance." Nakangiting paliwanag nito. Nagpasalamat ako at agad dumeretso sa binanggit nitong lokasyon.

Nagningning ang mga mata ko nang makitang may isang kopya pang natitira. Tinakbo ko ito, may tagumpay na ngiting naiguhit sa aking labi. Nang mahawakan ko ito'y may nakahawak din nito mula sa aking kanang gilid.

Inilipat ko ang aking tingin dito at nagulat nang makitang si Ross pala yon. Bahagya siyang nagulat nang makita rin ako, gaya ng pagkagulat ko nang masilayan ko siyang muli pagkalipas ng mahabang panahon. Agad kong tinanggal ang ekspresyong iyon at pinalitan ito ng munting ngiti.

"Ross." Sambit ko sa pangalan nito bago ito muling nginitian. Bahagya siyang nagulat sa aking naging reaksyon na pilit niyang sinubukang tinago.

"Vienna." Usal nito at binitawan ang libro. Binitawan ko rin ito.

"Kamusta?" Tanong ko rito habang pinipigilang itago ang mga naalalang mga pangyayari mula sa aming nakaraan.

"Uh, kukunin mo pa rin ba yang libro?" Pag-iiba nito ng tanong. Palihim akong napangisi.

𖦹❀𖦹❀𖦹❀𖦹

Nilagay ko sa aking gilid ang librong matagal ko nang inaasam. Andito ako sa isang coffee shop kasama si Ross. Habang iniintay ang aming order ay nagtanong na siya.

"Kamusta ka na?" Tanong nito sakin. Hindi nakangiti, ngunit wala namang bahid ng kalungkutan.

"Eto, Accountant na." Masaya kong tugon, natutuwa sa sariling nakamit. "Ikaw ba?" Balik tanong ko.

"Successful businessman na." Tugon naman nito tsaka kumindat.

"Hindi ka pa rin nagbabago ah? Pala-kindat pa rin?" Pabiro kong puna. Hindi nito naiwasang matawa sa aking nabanggit.

"Eh, ikaw? Nagbago ka na ah? Palangiti ka na ngayon." Asar naman nito sa akin.

"Ganon talaga. Nakakapangit kasi ang pagbubusangot." Pabiro ko namang sagot. Ngumiti ito, may bahid ng pangungulila. Huli na ang lahat para dyan. Huli na ang lahat para maramdaman 'yan.

"Ganoong mga libro pa rin naman pala hilig mong basahin hanggang ngayon." Hindi yon tanong.

"Nagbago man ang ilan sa mga ugali ko. May ilan parin namang nanatili." Pagpupunto ko. Tumango naman siya, nagsilbing pagsang-ayon sa aking sinabi.

"Ikaw? Ga'nong mga libro na pala ang gusto mo ngayon?" Dagdag ko sa huli kong sinabi.

"Ah, hindi ah. Ga'non kasi yung mga gustong libro ni Jed eh." Napatigil ito saglit dahil sa pangalang nabanggit. "Naalala mo pa siya?" Mabagal at alanganing kuro nito.

Bahagya kong kinuyom ang mga kamao ko. "Sinong hindi makakaalala sa kanya, eh siya kaya yung babae mo nung tayo pa." Pabiro kong sabi. But inside, I meant that.

The girl he cheated with, the guy who made me question my worth.

Ngumisi siya. "Huwag mo sabihing bitter ka?" At tinignan ako ng puno ng pangaasar. Tila tuwang tuwa sa ideyang apektado pa rin ako.

"Hindi naman. Naalala ko lang eh." Pagsasantabi ko sa pumapasok na ideya sa isipin niya saka ako nagkibit balikat.

"Going strong. Kami parin hanggang ngayon." Pagyayabang nito na tila ba'y iniinggit pa ako. "Eh ikaw, kamusta love life?" Nakangising tanong pa rin nito. Nginitian ko siya. Napadungaw sa phone bago siya sinagot.

"Parating na." Tipid kong sagot. Tumawa siya.

"Huwag mong sabihing wala ka pang nahanap pamalit sakin?It's been almost 2 years, Vienn." Natatawa nitong puna. "I know I was the greatest guy you've ever dated. Your greatest love. But Vienn, get over it. I found someone better than y--"

"Love, forgive me for arriving late. But I got you the book--Oh, dude?" Nagrehistro sa mukha ni Ross ang pagkagulat nang makita ang mukha ng kakarating na estranghero. "What's up? You know my girl?" Tanong ng kararating kong boyfriend na si Kyler. Napatulala si Ross sa nakita.

"Wait, dude, love, order muna pala ako ah?" Paalam ni Kyler tsaka humalik sa aking pisngi bago ito dumeretso sa counter.

Binaling ko ang tingin ko kay Ross na mukhang hindi pa naproseso ang mga nangyari.

"Ross, the man who used to be your closest friend, Si Kyler. Yung boyfriend ko. Yung una kong minahal kaysa sa'yo, pero sinabi mong ayaw niya sa'kin kaya't nabigyan kita ng chance? Naaalala mo rin ba siya?" Nakangisi kong pagbabalik tanong. Hindi siya nakapagsalita. Lumaki lalo ang ngisi ko.

"Nagjump ka agad into conclusions. Me? Haven't gotten over you? You are my greatest love? You are the one who should get over yourself, Ross. If we're talking about the greatest love, you used to know it so well, na it wasn't you. It was never you." Humalakhak ako pagkatapos masabi ang kanina ko pa nais sabihin.

Kinuha ko ang librong pareho naming minamataan kanina at unti unti itong itinulak papalapit sa kanya. Nakatitig lang ito sa'kin na may halong galit. "Iyo na yan, baka iyakan ni Jed eh." Maarte kong sambit.

"Also, pwede lipat ka na lang ng table? I want to spend my time with my boyfriend, my greatest love, only. Don't worry, the book and also you aren't a loss to me. Binilhan na pala ako ni Kyler eh. Nice bumping with you, though. Enjoy the book and these smiles I've shown you today. Hindi kasi kita mangitian dati, lalo hindi naman ikaw yung pinakagusto ko." Pigil tawa kong bigkas, lalo't halatang nasaktan ang ego nito sa aking pinakita.

Tumayo ito, bakas ang galit sa kanyang mga mata. Hindi na ito nagsalitang muli at dere-deretsong naglakad palabas ng coffee shop. Ang nakakatawa pa rito'y dinampot muna nito ang libro, na mukhang masama rin ang loob dahil ako rin lang ang nagbayad nito.

Paparating naman ang aking boyfriend, may bahid ng pagtataka sa kanyang napakagwapong mukha. "Love, anong nangyari sa kanya? Ba't umalis agad? Tsaka magkakilala pala kayo?" Nagtatakang tanong ni Kyler.

Kung alam mo lang, Kyler. Kung paano niya sinira ang tsansang makasama ka ilang taon pa sana bago naging tayo. Ngunit hindi na iyon mahalaga, dahil sa'kin pa rin naman ang naging bagsak mo.

"Hayaan mo na 'yun, Love. Tsaka, thank you, rito sa book. You're the greatest. I love you, Kyler." Paglalambing ko sa kanya at ginawaran ng halik ang malambot nitong pisngi.

"Para sayo, Love. You're my greatest. I love you more." Magiliw na sumbat nito bago ako hinalikan sa noo.

To that jerk, Ross, maliit na bagay lamang ang mga nabitawan kong salita kumpara sa panloloko, paninira, pagsisinungaling, at paglalarong ginawa nito sa aking nararamdaman. Sinong mag-aakalang pagiging masaya ko lang pala ang makakaapak sa ego niya? What a narcissist.

So what if I was played by my ex? He definitely is no match for my greatest love, my present.

Miscellany Of Stories Where stories live. Discover now