How I Miss

19 4 8
                                    

Original title: Binalewala, Malaya, Paubaya
Title/topic given by : rainnengineer
Thank you for participating. I hope you'll like it.

𖦹❀𖦹❀𖦹❀𖦹

Nasa hospital ako ngayon, bibisitahin ko ang aking kasintahan. Sa katotohanan nito, isang buwan na ang nakalipas nang kami ay maghiwalay. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang sitwasyon niya.

She has leukemia, at galit ako sa sarili ko dahil ngayon lang nakarating sa akin ito, sa higit isang taon naming relasyon.

Nang makita ko ang room number na nakapaskil sa aking kaharap na pinto ay kinatok ko ito. "Come in." Malumanay, ngunit narinig kong aniya. How I miss that voice.

Unti unti kong binuksan ang pinto, at bumungad sa akin ang gulat na ekspresyon niya. How I miss that face.

"Uh, hi." Naiilang kong bati, nanatiling nakatayo malapit sa pinto. Nagpalitan kami ng tingin. How I miss that stare.

"Uhm, come here. Sit here." Aya nito gamit ang malamyos niyang boses saka ngumiti. Ah, how I miss that smile.

Umugong ang katahimikan sa loob ng kwarto, walang nagtangkang umimik sa aming dalawa.

Ilang sandali pa'y bumwelo ito sa pagsasalita. "So," Pagbasag nito sa katahimikan. "You found out."

"Uh, yeah. Took me long enough." Mapait kong saad. Nang mapansin kong nakatitig ito sa bulaklak na aking dala, inabot ko ito sa kanya. "For you, anyway."

Masayang tinanggap nito ang mga bulaklak, kumikinang ang kanyang mga mata. "Aww, roses. Thank you." Pagpapasalamat nito, pagkatapos amuyin at nangiti sa hawak na bulaklak. How I miss this beautiful sight.

"So, what are your plans? Now that you found out." Dahan dahan nitong tanong, habang nakadikit pa rin ang mga titig sa bulaklak na bigay ko.

"Stay here with you, of course." Unti unting nabura ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos marinig ang aking isinagot.

"No, you have to let me go." Pamimilit nito sa akin. "Kaya ayokong malaman mo eh, ang kulit mo."

"Rayne, come on. I'm your boyfriend--well I was, but still we were together that time. I should know, I should be here to take care of you---"

"Whether you're here or not, I'm still dying!" Nanigas ako sa pinili nitong mga salita.

"D-don't say that, t-there's still a way. Why're you giving up?" Pigil luha kong tanong. Hindi maintindihan kung bakit niya sinusukuan ang sariling buhay.

"Please, pinalaya na kita. Paubaya mo na ako." Pagmamakaawa nito, tumulo na ang mga nagbabadyang luha.

"No, no! I don't wanna be freed, I don't want to let you go." Pagpupumilit ko sa aking sarili. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "I love you, I love you. Please, don't do this." Pagmamakaawa ko sa kanya. Nang marinig ko ang mabibihat na paghinga nito, pati pagnginig ay agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Hey, hey!" Tangi kong nasabi nang ihinarap ko siya sa akin. Nanginginig pa rin siya.

Dahil sa taranta ko, hindi ako makakilos nang maayos. Dumiretso ako sa labas ng pinto. "Doctors, nurses, tulong!" Desperado kong sigaw. Napatingin naman ang ilang nurses na nasa pasilyo at agad rumesponde.

Nang makita kong paparating na sila, linapitan ko ulit siya. "Be strong, baby, be strong." Naiiyak kong makaawa habang hawak ang kamay niyang nanginginig.

"I-i love you." Narinig kong bulong nito. Sasagot pa lang sana ako, nang sapilitan akong pinalabas ng doktor. Sinimulan nila siyang asikasuhin. Naluluha kong hinintay matapos ang pagpapakalma nila sa kanya, ipinagdadasal ang ikabubuti ng aking minamahal.

Pagkalipas ng mahabang oras para sa akin. Lumabas sila mula sa kwarto. Nilingon ko sila, ngunit hindi ko magawang magsalita nang makita ang kalungkutan sa mukha ng ilan.

"We're sorry."

Narinig ko ang unti unting pagguho ng mundo ko. Wala na siya. Rayne, my angel.

"Let me go." Narinig kong pagbulong mula sa aking kaliwang tenga. Mapait akong ngumiti.

If that's your final wish, my angel. But please, don't blame me if I can't.

Miscellany Of Stories Where stories live. Discover now