Mabigat ang pakiramdam ko ng umagang iyon. Masakit ang ulo ko na parang binibiyak ito. Sinabayan pa ng ubo at sipon. Gayunpaman, nagpumilit ako kay mama na pumasok. Nagtanong pa si mama kung bakit nagpupumilit pa akong pumasok kahit ang sama na ng pakiramdam ko. Sinabi ko na lang na malapit na ang periodic exams namin kaya hindi ito ang tamang oras para lumiban. Sa totoo lang, kahit ako ay hindi maintindihan kung bakit nitong mga nakaraang linggo ay sinisipag akong pumasok.
Mabilis na lumipas ang araw lalo na't maraming nakatambak na requirements na dapat asikasuhin na sabay sabay ibinigay ng mga teachers namin. Nakatulong ang maraming gawain sakin upang makalimutan si Marc. Hindi na rin siya nagparamdam at nagpakita pa sa akin matapos ang huli naming pag-uusap. I'm glad about it, in fact. Natuwa ako dahil naisip kong baka kaya hindi na siya nagparamdam ulit ay nagkabalikan na talaga sila ni Allyson. As for Allyson, hindi ko na rin pinatulan pa ang mga sinabi niya sa akin nung nakaraan. Wala namang katotohanan ang mga sinabi niya kaya hindi na kailangang patulan pa. Napatawad ko na si Marc sa mga ginawa niya sa akin at ganun din kay Allyson. I just wished hindi na nila ako guluhin pa. I'm okay now.
Para akong zombie na naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi ata magandang ideya ang pagpasok kong ito. Kung ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko!
"Hatsing!" Ugh. Parang tubig din ang sipon kong ayaw papigil sa pagtulo! Bwisit naman ito!
"Ayos ka lang Yas?" Nag-aalalang tanong ni Marie.
Tumango ako at sinabing iidlip muna ko.
Nagising ako dahil sa magkahalong init at lamig na nararamdaman ng katawan ko. Nang kapain ko ang leeg ko ay napag-alaman kong tumuloy na ang lagnat ko. Niyakap ko ang sarili ko at napansin na may nakataklob sa akin na jacket. Nilibot ko ang mata ko, kumakain na ang mga kaklase ko. Ilang oras akong umidlip?
"Gising ka na pala Yasmine, okay ka na?" Tanong ni Cass pagkatapos kinapa ang noo ko.
"Nilalagnat ka!"
Nagkibit balikat ako. "Bakit di niyo ko ginising?"
"Nanginginig ka kanina kaya pinabayaan ka na nila Ma'am matulog."
"Kanino galing tong jacket?"
"Kay Sir Greg. Dumaan kasi siya rito saglit bago ang klase niya kanina."
"Pero bakit?"
"Eh sabi kasi namin may sakit ka kaya binigay niya yan." May kung ano sa tono ng pagsasalita ni Cassandra ang hindi ko mahimigan.
Tumango ako at napahikab. Inaantok ulit ako. This is the reason why I hate being sick. Ang antukin ko.
Isinuot ko ang jacket na nakataklob sa akin. Color black at plain ang design nito. Malaki ang jacket sa akin, I never saw Sir Greg wearing this. Siguro ay tama lang ang sukat nito sa katawan niya. Yumuko ako at unti-unting itinago ang mukha sa ilalim ng mga braso ko. I can't help myself from smelling it. Ang bango! It is so manly and the scent is so addicting. Kapag naamoy ko ulit ito ay si Sir Greg na lang ang maaalala ko.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionThis is not your typical kind of story about love. This is a story about two people against the world because of LOVE.