"I'm breaking up with you." Sabi ko ng diretsong nakatingin sa mga mata niya."Wait, let me fix this mess." Sabi niya habang hawak ang mga kamay kong nakapatong sa mesa.
"No Marc. Tapos na tayo."
"Teka wait!" Tiningnan ko sya pero laking gulat ko ng si Sir Greg na ung nakahawak sa kamay ko. Pa'no nangyari to? Pinikit ko ulit ung mata ko saka ko binuksan ulit. Pagdilat ko siya pa rin ung nasa harap ko. Nagsmirk siya saka nagsalita...
"I love you Minmin."
Minmin?
Teka, ako ba yun? Palapit ng palapit ung mukha niya. T-teka? Hahalikan ba niya ko? Oh no! Kelangan hindi matuloy! Hindi pa ko handang mawala ang first kiss ko! Urgh. Anong gagawin ko? Kailangan kong mag-isip!
Isip.
Isip.
Isip.
Aha!
1...
2...
3...
"KYAAAAAH!!"
"Miss Gonzales, is everything okay?" Para kong nastun sa narinig ko. Si Sir Greg, nasa harapan namin, oo namin ng mga kaklase ko. Nasa school ako? So... Panaginip lang ang lahat? Whew! Nakahinga ako ng maluwag dun ah! Akala ko totoo na, buti na lang hindi.
"A-ah. Hehe. M-may ipis k-kasi Sir! Opo! Tama tama! May ipis! Sorry po!" Napakawalang kwentang palusot nun! Argh!
Narinig kong nagtawanan pa ung mga kaklase ko habang si Sir Greg naman ngingisi ngisi. Tsk. Kaibigan ko ba talaga to?
"Okay Miss Gonzales, pakisabi sa ipis na wag siya patulog tulog." Sabi niya na ikinatawa ulit nung mga kaklase ko. Nagsmirk pa siya ng tumingin sakin saka nagpatuloy sa pagsusulat ng kung anek-anek na equations. Problema neto?
Kainis naman oh!
"Nice one Yasmine."
-Konsensya
Aysh! Oo na! Naman kasi eh. Hirap na hirap ako makatulog sa gabi, pagdating tuloy dito antok na antok ako. Haaay!
Dalawang araw pa lang ang nakakalipas matapos nung break up namin ni Marc, hindi naman ako tinatanong nila Cassy kahit alam kong sa loob loob nila ni Marie kating kati na silang malaman kung ano ba talaga ung nangyari. Hindi pa ko handang pag usapan ung mga nangyari samin ni Marc, parang masyadong naging mabilis lahat ng pangyayari. Naalala ko tuloy bigla ung kanta run sa ice cream parlor, kisapmata. Tch. Parang inaasar pa ko ng tadhana.
"Hey."
May mokong na umupo naman sa harapan ko. Ipis pala ko huh? Hey niya mukha niya!
"Uy." Sinundot sundot pa niya ung braso ko. Pfft. Para talagang bata kung minsan.
"Oh?" Sabi ko tapos tingin ulit sa ibang direksyon.
"Haha. Sabay tayo umuwi ah, may sasabihin ako." Pagtapos nun, umalis na siya.
Ano naman kaya sasabihin neto? Hindi ba pwedeng sabihin niya na agad? Ano kayang point ng pagsabi niya sakin na may sasabihin daw siya kung hindi naman niya agad sasabihin? Ano yun, pasuspense? Kaya naman bago pa siya makalabas ng classroom, hinabol ko siya.
"Uy."
Huminto naman siya pero di niya ko hinarap. Hindi rin siya sumagot. Tapos nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. Aba? Snobero ang peg!
"Uy!" Medyo nilakasan ko pa ung boses ko. Hindi pa rin siya huminto. Ayos to ah!
Pumunta nga ako sa harap niya saka iniharang ung dalawang magkabilang kamay ko sa dadaanan niya. Determinado talaga kong malaman kung ano ba ung sasabihin niya kaso nagulat ako sa ginawa niya eh.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionThis is not your typical kind of story about love. This is a story about two people against the world because of LOVE.