Chapter XI

29 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa mall kasama si Sir Greg, I mean Greg. Wala naman daw kasi kami sa school grounds, isa pa we consider each other friends. Medyo di pa lang kasi ako sanay kahit naman mukang bata tong mokong na to mas matanda pa rin sya sakin.

Nagtataka siguro kayo kung bakit kami magkasama ngayon, well siya kasi napagsabihan ko about sa problem ko kay Marc, sabi niya maganda raw na magliwaliw ako para makalimot ako saglit sa problema ko kaya eto kami naglilibot. Niyaya niya ko kahapon habang magkausap kami about kay Marc. Speaking of him, di ko pa siya nakakausap about dun sa girl na un, I also stopped chasing him, I stopped texting him, calling or even chatting him. Parang sa isang iglap nawala lahat ng pinagsamahan namin for how many months. We started as strangers, facebook friends then as real friends, lovers and now we're back to strangers? Ganun na lang un? A tear escaped before I have wipe it away.

"Hey, it'll be okay." Sabi ng lalaking naging malapit sakin sa maikling panahon.

I gave him a half-smile.

"Alam mo nakakasama sayo ang nagiging malungkot." Sabi niya habang palinga linga sa nilalakaran namin, naghahanap na kami ng makakainan.

"Huh? Bakit?" Pagtataka ko.

"Ang pangit mo na kasi pumapangit ka pa lalo." Usal niya na parang wala lang.

Aba tong mokong na to ah! Sumosobra na to ah. Aambahan ko na dapat siya pero bigla akong natigilan sa nakita ko.

Alam kong siya yun, nakakasigurado ako. Nasilayan ko na naman ung mala-perfect niyang mga features, mula sa buhok niyang magulo ang pagkakaayos pero ang astig pa ring tingnan, sa mga kilay niyang parang iginuhit sa sobrang ganda pati ang mga mata niyang nangungusap na sinamahan pa ng makakapal at mahaba niyang pilik mata. Ang napakatangos niyang ilong na talaga namang kaiinggitan ng kahit sino at ang mga mapupula niyang labi na hindi nakaligtas sa aking paningin na biglang kumurba sa korte ng isang napakagandang ngiti. Isang ngiti na umaabot hanggang mata at sa puso nagmula. Isang ngiti na alam ko ang dahilan ay ang magandang babaeng kasama niya. Hindi na ako gaanong nagulat na makikita ko silang magkasama pero hindi ko inasahan na mas masakit palang makita sila ng harapan.

Ang sakit na parang pakiramdam ko bibigay ako ano mang oras. Bawat hakbang na gawin nila ay kasabay nang mabilis na pagtibok ng puso ko na tila'y may nagpapaunahang kabayo sa gitna ng karera. Dalawang hakbang na lang ang layo nila sa amin pero parang wala pa rin siyang nakikita. Mas maganda pala sa malapitan ung babaeng kasama niya, walang wala ako kung ikukumpara ako sa kanya. Narinig ko pa silang nagtawanan, ibig sabihin masaya siya kasama ung babaeng un. Sino ba si Allyson? Ganito na lang ba pagkatapos ng lahat? Hindi ko na kinayanan, biglang nanghina ang mga tuhod ko, buti na lang naalalayan ako ni Greg.

"Ayos ka lang Yasmine?" Bakas ang pag-alala sa mukha ni Greg. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na natigilan si Marc pagkarinig ng tanong ni Greg.

Tumango ako bilang sagot at dahan dahang tumayo habang naka-alalay si Greg sakin.

"Yasmine?" Si Marc. Paano niya ko nakilala gayong hindi naman ako nagsalita?

Humarap ako sa kanya, nakatitig siya sa akin. Tinitigan ko rin siya mata sa mata. Gulat ang unang nabasa ko sa mukha niya pero biglang lumambot ang ekspresyon niya. Nilipat ko ang tingin ko sa babaeng kasama niya, tama nga ako, maganda siya. Makintab ng buhok niyang umabot sa kanyang dibdib at mayroon siyang mapuputing balat. Bagay na bagay rin sa kanya ang pink dress niya na binagayan ng pink din na doll shoes. At tulad ni Marc, gulat din ang unang mababasa sa maamo niyang mukha. Bakit? Marahil ay nagulat siya kung sino ako sa buhay ni Marc?

Unti unting lumapit sakin si Marc habang ako ay naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa, niyakap niya ako. Niyakap niya ako na parang walang nangyari sa amin nitong mga nakaraang araw.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon