SATURDAY
.
.
.
.
.
.
SUNDAY
.
.
.
.
.
.
.
MONDAY
.
.
.
.
.
.
.
TUESDAY
.
.
.
.
.
.
.
.
WEDNESDAY
.
.
.
.
.
.
.
Limang araw na ang dumaan matapos nung away na nangyari samin. Miyerkules na ngayon at di lang basta basta Miyerkules ngayon dahil August 2 ngayon at First Monthsary namin ni Marc. Bago ako matulog kagabi, naghihintay na ko na batiin niya ko pero wala, walang Marc na bumati sakin. At hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako na may magpakitang Marc Andrew Maizo sa harap ko na babatiin ako ng "Happy Monthsary" habang nakangiti. Magtatatlong oras na ang nakakalipas matapos ng uwian namin, yung Marc na kilala ko andito na dapat sa oras na to. Hindi ko na alam kung bakit siya ganito sakin. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.
"Lalim na naman ng iniisip natin ah." Sa nakalipas na mga araw, naging mas malapit kami ni Sir Greg. Madalas kaming magkausap pag free time namin dito sa school, lagi din siyang sumasabay samin pag uwi. Kapag nagffacebook naman ako, siya lang din ang lagi kong kachat at dahil dun mas nakilala ko siya. Nakapag open up na rin ako sa kanya about samin ni Marc at lagi niyang sinasabi na--
"Magiging okay din ang lahat, ngumiti ka na." Ayan. Tulad ngayon sinabi na naman niya sakin yan at wala sa sariling napangiti na lang ako.
"That's better. Mas pumapangit ka lalo pag nakasimangot ka." Sabi niya habang tatawa tawa.
"So panget pala ko?" I pouted.
"Hindi ako ang nagsabi niyan." Habang nagpipigil ng ngiti.
Hindi ko alam kung ano at bakit, pero sobrang gaan at lapit ng loob ko kay Sir Greg. Laking pasasalamat ko na lang na andito siya, kahit papano kasi nakakalimot ako sandali kay Marc.
"Nang-aasar ka na naman Esteban." Madalas ko siyang tawagin sa apelyido niya pag nangungulit siya. Honestly speaking, hindi siya isang lalaking edad 35 kung umasta. Para pa rin siyang teen ager, sobrang playful. Hindi ko inakalang may side siyang ganun bukod sa pagiging seryoso at sarcastic niya.
"Pikon ka na naman ba Gonzales?" Madalas din niya kong tawagin sa apelyido ko na hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ang ganda pakinggan ng apelyido ko pag siya ang nagsasabi nito?
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionThis is not your typical kind of story about love. This is a story about two people against the world because of LOVE.