Chapter VII

29 2 0
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto, naghahanda or should I say naghahanap ng maayos na maisusuot para mamaya. Ang hassle naman kasi, puro jeans at tshirt lang ang mga damit ko. Gusto ko kasing mag-effort sa itsura ko ngayon, para naman bumagay ako kay Marc diba? Simula kasi nung kinantahan niya ko, dumagsa ung mga babaeng umaaligid sa kanya. Noon pa man, alam ko ng madaming nagkakagusto sa kanya, natriple ata nung nangyari un. Napuno ako ng insecurities, di ko na lang pinapahalata kay Marc, ayoko na rin kasing palakihin pa.

Nagtataka siguro kayo kung anong meron mamaya, wala naman kung anong okasyon, niyaya lang naman ako ni Marc na lumabas. Ang OA ko ba? Di na ako magkanda ugaga sa kakapili kung anong mas ok suotin. Wala eh, inlove ako. Gusto kong maging deserving para sa kanya.

Ang epic pa nga nung pagkakayaya niya sakin. Ganito kasi yung nangyari eh....

Flashback

Naglalakad na kami ni Marc palabas ng school. Simula raw kasi ngayon, araw-araw niya na raqw akong ihahatid pauwi. Pero kahit lumilipad ang utak ko, di nakaligtas sakin ang ginawa niyang paghigit sa kamay ko. First time naming magkahawak ng kamay ni Marc at kahit hindi ito nakasalikop sa isa't-isa ay medyo naiilang pa rin ako. Ibang-iba ung pakiramdam ko ngayon, pero kahit ganun alam ko sa katagalan masasanay rin ako.

"Ehem." Siya talaga lagi bumabasag sa katahimikan na bumabalot saming dalawa.

"Hmm?" Alanganin kong tugon sa kanya.

"A-ano.."

"Anong ano?"

"A-ano k-kasi.."

Di ako tumugon pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya, hudyat na naghihintay akong ipagpatuloy yung kung ano man na sasabihin niya.

"G-gusto ko s-sanang.." Ba't ba to nauutal-utal?

"Dhie, buffering? Kaylangan paputol-putol?"

"Kinakabahan na nga akong ayain kang lumabas, nagawa mo pang mamilosopo." Bubulong bulong na sabi niya, pero na narinig ko naman.

"Anong sabi mo dhie?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga sinabi niya. Gusto ko lang siyang asarin. Huehue.

"W-wala!" Iritable niyang sagot na talaga namang ikinagulat ko.

Aba! Sinisigawan na niya ko?! Kasalanan ko bang kinakabahan siya kaya pautal utal siya magsalita?!

"Sinisigawan mo ko huh?" Ganti ko rin sa kanya. Aba?! Akala niya huh?! Bumitiw na rin ako sa pagkakahawak kamay namin at tumigil sa paglalakad.

Nakita kong nabigla siya sa ginawa kong pagsigaw. Dapat lang mabiga siya, kanina lang ang sweet sweet niya sakin. May pakanta kanta pa siyang nalalaman! Tapos ngayon?! Tch!

"H-hindi mhie. A-ano kasi. Kinakabahan lang naman ako tapos nagawa mo pang pilosopohin ako." Biglang lumambot ung ekspresyon ng mukha niya. Nag-iba rin ung tono ng boses niya. Mula sa pagiging iritable naging biglang malambing at malumanay.

Nakonsensya naman ako, kinakabahan nga naman kasi siya. Pero kailangan talaga sigawan amo? Aish! Naiinis na naman tuloy ako.

"Nakakanta ka nga sa harap ng maraming tao, tapos ngayong tayong dalawa na lang kinakabahan ka? Ba't ka ba kasi kinakabahan? Siguro may kasalanan ka 'no?" Dire-diretsong litanya ko. Binibiro ko lang naman siya. Alam ko naman kung bakit siya kinakabahan.

"Huh? Wala no mhie! Di ko magagawa un sayo! Promise!" Pilit kong pinipigilan ung ngiti ko, pano naman kasi ung itsura niya naghuhuramentado nung sinabi kong may kasalanan siguro siya. Tinaas taas pa niya ung kamay niya na nangangakong di niya raw magagawa un nung sinabi niya ung 'promise'.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon