Chapter IV

37 3 0
                                    

Madaling lumipas ang araw. Matatapos na rin ang June. Okay naman ang studies ko except sa klase ni Sir Greg. Heto nga't lumipas na naman ang isang oras at wala na naman akong naintindihan.

Tiningnan ko si Marie at nakita ko ung expression ng mukha nya. Halatang nasabaw din sya eh. "Yas. Nagets mo?" Si Marie, kakatapos lang kasi ng Trigonometry Class namin.

Pano ba naman kasi... duguan na nga ung mga ilong namin, nasabaw pa ung mga utak namin. Nilaga na nga eh. Nakakaiyak talaga.

"I can feel you."-Konsensya

Kitams, pati ung konsensya ko sumang-ayon sakin? Ang hirap naman kasi talaga. Ang hirap na nga nung mismong subject, mas lalo pang humirap nung sya ung naging teacher namin eh. Sino pa nga ba? No other than, Sir Greg. Nakakaiyak kasi talaga, ung one hour na discussion ni Sir Greg nakanganga lang ako. Scratch that. Kami pala. Oo. Kaming lahat. Kahit nga ung mga mathematicians namin sa room nakanganga rin eh. Nakakapanlumo talaga sa araw araw ung thought na wala akong natututunan sa.isang oras na ginugugol ko sa subject nya.

"Okay. Medyo OA ka na."-Konsensya

Sorry na. Masama lang talaga ung loob ko eh.

T_____T

"Move on na guys! May research paper tayong aasikasuhin eh." Si Cassy nagsabi nyan. Palibhasa nagegets ung lesson eh. Matalinong bata kasi yang si Cassandra. Talented pa nga yan eh. Kaya nga ang daming nakakakilala sa kanya pati ang dami ding tagahanga. Pinakamasipag din yan saming magkakaibigan, nung nakaraang bakasyon nga eh nagsummer class sya, tinake nya ung mga subject na tinitake namin ngayong year para daw advance sya. Siya na talaga.

"Isa pa un sa mga di ko nagegets eh." Nanlulumong tugon ni Marie.

Parehas kasi kami nyan ni Marie, pa-easy easy. Ine-enjoy ang buhay. Hahaha. Kaya eto, nga-nga kami. "Ramdam kita Marie." Pag-sang ayon ko.

"Hay nako guys. Teka, dito lang ba kayo sa room?" Tanong samin ni Cassy.

Tumingin ako sa relo ko, 10:33am na pala. Research II class na namin. Isa pa pala to sa subject na sinasabaw ang utak ko. "Ugh, pupunta ko e-library, magsesearch ng related literature sa study ko." Sagot ko kay Cassy.

"Dito lang muna ko sa room, baka tanungin ako ni Sir Roly sa study ko. Wala pa akong nahahanap na mag-aabsorb sa copper eh." -Marie. Si Sir Roly nga pala ung teacher namin sa subject na to. Gina-guide nya kami sa mga studies namin.

O______O - Itsura namin ni Cassy.

"Oh bakit ganyan itsura nyo?" Naguguluhang tanong ni Marie.

"Ikaw ba talaga yan?" Tanong ko.

"Nilalagnat ka ba Mar?" Si Cassy naman ang nagtanong.

"Grabe kayo sakin!!" Sigaw ni Marie samin. Habang kami nagpipigil ng tawa ni Cassy.

"Mga mapang-api!" Si Marie, nagsalita ulit.

"Hahahahaha." Di na namin mapigilan ni Cassy.

"Sge na, una na ko ah. Pupunta pa kong laboratory." Si Cassy yan.

"Sabay na rin ako sayo." Sagot ko habang hinahanap ung flashdrive ko sa bag.

"Ayan! Tara na." Nahanap ko na kasi flashdrive ko.

"Bye Mar/Marie!" Pagpapaalam namin kay Marie.

~~~~~~~~~~

Sa E-library....

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon