Chapter XII

27 1 0
                                    


"No Marc. Tapos na tayo."

"No Marc. Tapos na tayo."

"No Marc. Tapos na tayo."

Paulit-ulit kong naririnig ang mga huling salitang binitiwan ko kay Marc. Tapos na. Tapos na kami. Wala na rin akong matatawag na kami. Nakakatawa, eto na ba ung sinasabi nilang 'broken'? Ang sakit pala. Tch.

"Sira ka ba?" Isang pamilyar na boses ang nagsalita. Tumungo ako upang makumpirma kung tama ang hula ko. Hindi nga ako nagkamali.

"Tumatawa ka habang naiyak? Baliw ka na ata."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinong sumapi sa katawan ko at nagawa kong yakapin si Sir Greg. Eto ba nagagawa ng isang 'broken hearted'? Kung oo, aaminin kong gumaan ang bigat na nararamdaman ko. At sa gitna ng mahigpit kong pagkakayakap, bumagsak ang mga maiinit na likido mula sa mga mata ko.

Umiiyak na naman ako. Ilang beses na ba akong umiyak ngayong linggo? Hindi ata nauubos ang mga luha ko.

"Ssshh." Mahinang sabi ni Sir Greg pero nagawa ko pa ring marinig. Hinihimas niya ng dahan dahan ang likod ko habang pinapatahan ako.

Lalong bumuhos ang mga nag-uunahan kong luha. Alam niyo ba ung pakiramdam na lalo kang maiiyak pag pinapatahan ka na? Baligtad yata talaga ang utak ko.

Inihiwalay ako ni Sir Greg sa pagkakayakap ko sa kanya, nakita kong basang basa na ang kaliwang balikat niya kung saan nakapatong ung mukha ko.

"S-sorry. Hehe." Sabi ko habang pinapagpag ung balikat niya.

"Wala un. Gusto mo ice cream?"

"Libre niyo Sir?" Pagbibiro ko.

"Kelan mo ba ko nilibre?" He grinned.

"Hehe. Sabi ko nga eh." Kakamot kamot pa ko sa ulo.

Hinila niya ko sa isang ice cream parlor at nang makarating kami ay umupo kami sa magkatabing stool.

"Dalawang chocolate ice cream." Sabi niya run sa crew.

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang inorder namin. Pagkakita ko sa ice cream na nasa harapan ko, bigla akong natakam. Ang sarap niyang tingnan. Hindi na ko nakapagpigil pa kaya isang malaking subo agad ang ginawa ko. Ang sarap! Hindi ko naiwasang mapangiti.

"Masmagandakakapagnakangiti."

"H-ha?"

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago siya nagsalita. "Ang sabi ko, mas maganda ka kapag nakangiti." Naramdaman kong biglang uminit ang pisngi ko sa narinig ko, namumula ata ako?

"Salamat."

Makakalahati ko na ung ice cream ko ng biglang may tumunog. Pamilyar sakin ung kanta eh.

Kisapmata by Eraserheads

Nitong umaga lang, 

Pagkalambing lambing 

Ng iyong mga matang 

Hayop kung tumingin,

Pinakinggan kong maigi ung lyrics ng kanta, saktong sakto sa nararamdaman ko ah. Bigla kong naalala ung mga mata ni Marc, kung gaano ako kainlove sa mga matang un. Kung paano ako mamesmerize kapag tinitingnan niya ko. Kung gaano kiligin kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sakin at kapag tinanong ko siya, hindi man lang siya tumatanggi.

Flashback

"Dhie, tulungan mo na kaya ko hanap-- Tinititigan mo ba ko?" Kanina ko pa hinahanap wallet ko tas nung tumingin ako rito kay Dhie, ayun, ngiting ngiti habang nakatingin sakin.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon