KATE CHANDRIA'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng boses na nagmumula sa kabilang kwarto. Hindi ko nalang sana iyon papansinin kaso rinig na rinig ko talaga na parang may kaluskos ng kung ano. Wala naman sigurong baliw dito para mambulabog ng 3:30 ng madaling araw. Kainis. Alas 11:00 pa naman ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko yung isang project ko kase ngayon na 'yun ipapasa. Inaantok pa talaga ako kaya kung sino man yang nag-iingay ay hinaan man lang kahit konti. Hindi pa keri ng mata ko na bumukas at lumabas dahil maginaw pa. On kaya ang aircon dito magdamag, sa kwarto ko lang ang hindi.
Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin ako nakatulog. Kahit anong pikit ko sa mata ko ay hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Yung ingay naman ay parang tumigil na. Arhh. Ngayon pa tumigil kung kailan hindi na ako makatulog. Inis akong bumangon at dinampot ang jacket na nasa couch para pumunta sa kabilang kwarto. Sobrang tahimik pa ng buong mansion at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko pati na rin yung kaluskos sa kabilang kwarto.
Kumatok ako ng tatlong beses at ilang sandali lang ay bumungad ang nakabugsangot na mukha ni Cohen. Tumaas ang kilay niya ng makita niya ako at ganun rin ang ginawa ko sa kanya.
" What?!." inis niyang tanong.
" Anong ganap mo diyan sa kwarto mo? Ikaw ba yung kumakaluskos?." Sumilip ako ng konti sa kwarto niya at ang nakita ko lang ay ang nagkalat na mga sirang gadgets at automobiles sa sahig. Hindi na ako nakatingin pa dahil tinulak ako ni Cohen. Fishtea.
" Who cares? Bumalik ka na nga sa kwarto mo, ang aga aga panget na mukha ang nakikita ko." reklamo niya kaya pinameywangan ko siya.
" Aba! Dakilang laitero ka talaga. Kahit naman magka eyebags ako ng libo libo maganda pa rin ako. Yabang neto mukha namang tae." Nanlaki ang mata niya at akmang isasara sana ang pinto kaso tinulak ko siya kaya nakapasok ako.
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang mga ginagawa niya. May mga papel sa study table niya at naka-on rin ang laptop niya na may research sa kung ano. Ewan ko, mukhang mahirap ata ang lesson niya. Di ko talaga magets dahil hindi naman Engineering ang kurso ko.
" Project mo?." Turo ko sa mga gamit niya na nasa sahig. Bumalik siya sa ginagawa niya at 'di nagtagal ay napahilamos sa mukha niya.
" Yeah. The deadline is on Monday and I haven't start any single step of it. It's so hard." sagot niya.
" Wala bang procedure kung anong dapat gawin?."
Kinuha niya ang papel sa gilid niya at binigay sa'kin. Binasa ko naman ito at naiintindihan ko ang iba.... hindi ko alam yung ibang words kase parang sila lang naman ang nakakaintindi neto. Basta ang alam ko ay sira ang LCD ng phone at dapat maayos ulit 'yun ni Cohen. May mga pisa naman siya at mga gamit kaya magagawa niya 'to.
" Kompleto naman ang mga gamit mo diba? Bakit hindi mo magawa? Hindi ko kase maintindihan ang ibang words na nakalagay dito. Mukhang topic niyo ata 'to." sambit ko at binalik sa kanya ang papel.
" Hmmm.... I even tried it three times but I couldn't. Sinunod ko naman ang nakalagay dito kaso tangina... ayaw talaga eh. Kaasar!." Tinadyakan niya ang sofa at mukhang sa may kahoy tumama ang paa niya kaya napatalon siya sa sakit.
Tanga lang ang peg?! Tarantado talaga ng isang 'to. Tsk.
" Wala namang nagagawa sa madalian lang. Syempre kailangan din ng sipag at tiyaga. Ulit ulitin mo lang tapos obserbahan mo kung ano yung mali. Sinasabi ko sayo magagawa mo 'yan." pagpapalakas ko ng loob niya.
" How could you say that? And why would I believe you?!." nakataas kilay niyang tanong.
Nakibit balikat lang ako at hinila ang paa niya para tingnan at may gasgas nga." Kase ganun naman talaga, natural lang naman na mahirapan ka. Syempre nasa college kana kaya expected na ang mahihirap na lesson. At saka ikaw ang pumili ng kurso na 'yan kaya problema mo na 'yan. Ang sa'kin lang, bawasan mo yang pagiging tarantado mo kapag hindi mo agad maintindihan ang isang bagay. Bahala ka, mas lalo kang mahihirapan kase hindi kalmado ang utak mo at hindi ka makakapag-isip ng maayos. Totoo ang sinasabi ko, mamatay man yung baka nila VeraMundo." Nilagyan ko ng alcohol ang bulak ng marinig ko ang mahinang tawa niya. Nang mapalingon naman ako sa kanya ay tumigil siya.
YOU ARE READING
Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks
Teen FictionHelveryst Series #1 : Dale Fyron Helveryst " Babysitter " Yan ang magiging trabaho ni Kate Chandria Lyntheria sa mansion ng mga Helveryst. Para sa kanya, madali lang ang kanyang gagawin dahil sanay na siyang mag alaga ng mga bata. Ang hindi niya ala...