Chapter 48 - Try And Try

853 34 0
                                    

KATE CHANDRIA'S POV

" Anak, naghihintay na siya sa baba."

Napabuntong hininga nalang ako at tumango bago lumabas ng kwarto ko. Palagi namang ganito ang takbo ng araw ko at sanay na ako dun. Mukha namang hindi kompleto ang araw niya kapag hindi niya ako nakita at mabigyan ng kung ano ano. Ilang beses kona siyang sinabihan na hindi niya kailangan gawin 'to pero ang tigas parin ng ulo niya at hindi niya pinapakinggan ang sinasabi ko. Aish.

" Goodmorning, love." Binigyan niya ako ng isang bigkis ng puting bulaklak. Araw araw iba't ibang bulaklak ang binibigay niya sa'kin kaya hindi na ako nagulat ng makitang iba 'to sa kahapon.

" Thank you." maikli kong sagot sa kanya ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Alam kong bastos yung ginawa ko pero huli na ng mapagtanto ko dahil nakaalis na siya.

" Mali ang ginawa mo Katria." Napaangat ako ng tingin kay Inay ng bigla siyang magsalita sa harap ko." Dapat ay nagpasalamat ka man lang sa kanya bago mo siya tinalikuran. Hindi mo ba naisip na baka nalungkot siya dahil ni pagtingin ay hindi ko kayang gawin sa kanya." dagdag niya pa.

Napabuntong hininga naman ako."Alam ko po, Inay. Hindi ko naman sinasadya 'yun. Pero bakit niya parin ba pinipilit ang sarili niya sa'kin?! Hindi niya ba naisip na baka hindi ako pumayag at balewala lang sa'kin ang ginagawa niya?."

" Anak, ginagawa lang ni Daron ang sa tingin niya nakakapagpasaya sa kanya. Halos umabot nga ng buwan ang paghihintay niya sa'yo tapos ganito lang ang magiging resulta. Nasabi niya ba sa'yo kung gaano niya pinagsisihan ang sarili niya dahil sa lahat ng nangyari? Sobrang namimiss kana nun anak, pero hindi mo maipadama sa kanya ang pagmamahal na inaasam-asam niyang makukuha galing sa'yo. Kahit alam niyang iniiwasan mo siya minsan, pinipilit niyang gawin ang lahat napasaya ka lang. Kahit hindi ganun ang nararamdaman mo para sa kanya." mahabang salaysay ni Inay.

" Nay, maiintindihan ko lang talaga ang lahat kapag sinabi mo sa'kin ang totoo. Bakit ba hindi niyo nalang sabihin?!." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Paano ko ba kase malalaman ang lahat kung walang magsasabi.

" H-Hindi p-pa.... H-Hindi pa sa ngayon, anak. Kailangan mo pang inumin lahat ng gamot mo para masiguradong magaling kana talaga at para hindi na sumakit ang ulo ko. 'Yun ang pinaka-iiwasan naming mangyari sa'yo, nak." Hinaplos ni Inay ang buhok ko kaya wala akong ginawa kundi yakapin siya.

Napatingin ako sa mga bulaklak na nakalagay sa mga bookshelves ko dito sa kwarto. Dapat puno 'yun ng mga libro kaso imbis na 'yun ang laman ay mga bulaklak na. Marami kase siyang mga pinapadala kaya wala akong paglalagyan. Hindi ko naman tinatapon dahil ewan..... parang ayoko. Nilalagay ko lang dyan na para bang display lang sa kwarto ko. Kung minsan din naman love letters ang binibigay niya kaya halos mapuno na ang drawer ko dahil dami ng mga 'yun. Idagdag mo pa yung panghaharana niya sa'kin kada umaga. Himala nga lang at wala ngayon, ewan ko. Basta hinahayaan ko lang siya sa mga ginagawa niya.

Tulala lang akong nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kapag may pasok, maagang pumupunta si Daron rito para bigyan ako ng mga bagay na hindi ko naman kailangan, kahit walang pasok ay binibigyan niya rin ako tulad ngayon. Yung mga kaklase kong mga kaibigan ko raw ay palagi akong kinukulit pero hinahayaan ko lang sila dahil 'yun naman ang gusto nila. Pati rin yung mga kapatid ni Daron, kinakausap ako ng mga bagay bagay pero hindi naman ako makasabay dahil wala naman akong alam sa topic nila. Nakisali rin yung Cheska at Ivan na sobrang friendly at yung Stella rin na bumibisita sa'kin minsan. Gad! Hindi ko alam na ang dami pala nila.

Kahit naman pilit akong mag-isip ay mauuwi lang din sa sakit ng ulo kaya iniiwasan ko nalang. Ewan ko. Gulong gulo na talaga ako sa mga nangyayari. Wala na akong maisip na tama o mali dahil hindi ko naman alam kung ano yung tama at saka mali. Narinig ko nga yung usapan nilang lahat kasama si Inay na iintindihin nalang daw nila ako dahil mahirap daw para sa'kin ang lahat ng 'to. Pero ang sabi ni Inay ay mas nahihirapan daw sila sa ginagawa nila dahil hindi nila makuha ang loob ko. Ang lapit ko lang daw sa kanila pero hindi nila ako maabot.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks Where stories live. Discover now