Chapter 38 - Suitors

1.2K 56 0
                                    

KATE CHANDRIA'S POV

" Anak, nandyan na sa labas yung dalawang manliligaw mo. Mukhang nagkakapikonan na ata."

Naibuga ko naman yung iniinom kong tubig at patakbong pumunta sa sala para buksan ang bintana. Nanlaki ang mata ko ng makitang nandun na nga si Shin at Cohen, at ang sama ng tingin sa isa't-isa. Ba't ang aga nilang dalawa eh 6:30 pa lang?! Bihis na bihis pa sila tapos ako hindi pa nakaligo at kakatapos lang kumain. Nyeta! Wala naman silang sinabi sa'kin na pupunta sila ng maaga.

" Nay, kanina pa ba sila dyan sa labas? Hindi ko kase alam na darating sila ng ganito kaaga."

Umiling naman siya." Kakarating lang nila dyan. Sa pagkakarinig ko ay nag-aaway sila kung sino ang nauna. Susmaryosep! Ang g-gwapong nilalang ng nasa labas ng bahay natin, anak. Maligo kana sa taas at papapasukin ko muna sila dito para hindi sila mainip sa labas."

Tumango lang ako sa sinabi ni Inay at nagmamadaling umakyat sa kwarto ko para maligo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng P.E uniform ko dahil marami kaming activities ngayon. Hindi na ako nag-abalang itali ang buhok ko dahil basa pa lamang ito at baka sumakit ang ulo ko. Nang makababa ako dala ang bag ko ay tumayo agad silang dalawa at ngumiti sa'kin.

" Goodmorning, Katria. I bought a flowers for you and some chocolates." Inilahad ni Shin sa'kin ang sandamakmak na chocolates at isang bouquet ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong bulaklak ito pero mabango siya, mukhang mamahalin.

" Goodmorning, Katria. I also bought flowers for you but not as cheap as he bought for you. This chocolates of mine came from Italy and it tastes like heaven." Tunog palang ng pagsasalita ni Cohen ay alam kong ipinaparating niya na nakikipag-kompetensya siya kay Shin. Mayabang eh.

" I told you guys, you don't have to gave me anything like this. Hindi ko naman kailangan ng mga ganito, napagastos pa kayo. Thank you for this."

" Anything for you, I don't care on money. Kahit ano pa bibilhin ko sa'yo basta mapasaya ka lang." sambit naman ni Shin.

Tumawa naman si Cohen, tawang nakakainsulto." You can give her foods and expensive things but I can gave her more than that. Houses, restaurants, buildings, or even the whole world."

Malakas na tumawa sina Sasha at Cyd kaya pinanlakihan ko sila ng mata kahit na impit rin akong tumatawa. Si Inay naman at Shin ay nagpipigil rin. Isang syudad nga hindi niya kayang ibigay, buong mundo pa kaya. Takte! Wala talagang mapaglalagyan ang pagkamayabang niya.

" Pare, bawasan mo naman ng konti yang kayabangan mo." Tinap pa ni Shin ang balikat niya." You look like a joker when you said impossible things." dagdag niya pa.

" Shut up, asshole. I'm not joking." Winaksi niya ang kamay ni Shin at nagpalitan na naman sila ng sama ng tingin.

" Tama na 'yan, mga hijo. Pwede niyo nang isama paalis ang anak ko. Pero ipangako niyong hindi siya malalagay sa panganib. 'Wag niyo rin siyang pag-awayan. Baka wala siyang sagutin ni isa sa inyo." singit ni Inay kaya napatigil sila at umayos ng tayo.

Nakabugsangot ako na naglalakad kasama yung dalawa sa magkabilang gilid ko. Sumama kase sila sa'kin na mag-commute dahil mag-isa lang daw ako at babae pa. Gusto sana ni Cohen na sa kotse niya nalang ako sumakay kaso maiiwan si Shin dahil ayaw niya itong pasakayin kaya hindi nalang ako pumayag. Nagpumilit si Cohen na sumama sa'min na maglakad dahil ayaw niya na masolo ako ni Shin lalo na't palagi naman daw kaming magkasama buong araw dahil magkaklase kami. Remember, P.E namin ngayon.

" Pupunta ako sa room niyo mamaya, Kat. We'll go lunch together, sa'kin ka." Hinila ako palapit ni Cohen kaya naamoy ko yung pabango niyang Calvin Klein's Obsession.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks Where stories live. Discover now