Kabanata 13: Sleepover (Part I)
"One two three and jump! Very good guys!" Napangiti ako ng makitang sabay-sabay namang nagawa ng mga bagong cheerdancers ang steps na itinuro ko.
Bilang cheerleader ng grupo ngayong school year ay ako dapat ang numero unong nandito sa gymnasium para magturo. Magkakaroon kasi kami ng screening mamaya para palitan ang mga gumraduate na cheerdancers ng ACHS last year.
Nakakatuwa namang makita ang mga mag ii-screening this year. Malapit na kasi ang Intramurals kaya simula nanaman maging busy ang buong school. Pero bago yun ay 1st Grading Examination muna ang kailangan naming problemahin at syempre magcecelebrate nanaman kami dahil makakasurvive na kami sa first grading!
"Water break muna mga babies!" Pumasok si Coach Chelsea at pumalakpak sa amin. Sabay sabay naman na tumigil sa pagsasayaw ang trainees at nginitian siya.
"Thank you Coach! Thank you Ate Sunshine!"
Nagbabaan ang mga bata sa stage para pumunta sa mga bag nila na nasa bleachers. Pinanood ko ang mga bubwit na nakangiti bago ako humarap kay Coach Chelsea na tinapik ang balikat ko.
"Hey Sunshine! You're doing good ha!"
"Thank you Coach. Sana lang ay hindi ako mahirapan sa pagpili mamaya."
Niyaya niya akong umupo sa gilid ng stage at ibinitin ang mga paa ko. Kinuha ko na ang water bottle ko mula sa bag at uminom habang pinapakinggan siyang magkwento.
"I can't believe it na graduating ka na."
"Graduating nga Coach pero yun ay kung ga-graduate ba talaga." Sabay kaming tumawa bago niya itinaas ang kamay niya para ituro ang mga trainees namin.
"Isa ka lang sa mga maliliit na kuto na yan dati pero tignan mo ang sarili mo ngayon, kuto ka pa rin." Nasamid ako sa sinabi ni Coach.
"Ouch. Akala ko naman nakakalubag damdamin ang sasabihin mo, Coach."
"Joke lang. Seryoso na." Sumeryoso na siya bago pinaglaruan ang kamay niya.
"Actually may problema talaga ako ngayon."
"Ano po yun Coach?" Hindi ko inaasahang mag-oopen up sa akin ngayon si Coach Chelsea. Close naman siya sa buong squad pero iba talaga ang aura niya ngayon.
"After the announcement of the cheerleader, hindi na pumasok si Emily ng klase niya." Muntik ko ng mabitawan ang bote ko dahil sa sinabi ni Coach.
"P-Po? Ano po bang nangyari sa kanya?"
Kinabahan ako. Napaka grade conscious ni Emily at matalino talaga siya. Palagi siyang kasama sa honor students kaya halos hindi umaabsent sa klase ang babaeng yun.
"I just found out this morning because of Syrene kaya hindi ko pa talaga nachi-check. But I'm planning to visit her later at their house, do you want to come?" Nakagat ko ang labi ko. Never pa akong nakabisita sa bahay nila Emily. Hindi naman sa pagiging O.A. pero naiimagine ko na babatuhin niya ako ng flower vase pagpasok ko pa lang ng bahay nila.
"Sa tingin ko po, mas mabuti kung babalitaan niyo nalang ako." Bumuka ang bibig niya na para bang ngayon pa lang nagsink in ang relasyon namin ni Emily sa isip niya.
"Sige, babalitaan nalang kita."
Nagpaalam muna siya na bibili sa cafeteria kaya naman lumabas na muna siya ng gym. Napangiti ako ng makitang paparating na sila Syrene, Vince at Serene na nakasuot na ng kanilang mga practice uniforms. Kinawayan nila ako at nagpaunahan naman kaagad sila na makapunta dito sa itaas ng stage at tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Sunshine
FantasyA Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school, sa bahay, mga kaibigan, at lalo na sa pagsasayaw. But her life suddenly changed after receiving a magic necklace from an old woman. She gai...