38

6 0 0
                                    

Kabanata 38: Tough on the Outside, Fragile on the Inside

Sinubukan ko lang namang umiwas pero hindi ko inakalang magdudulot pa ito ng mas malaking gulo.



After 10 years, mala-delubyo ang nangyari sa reunion namin ni Hanson dito sa convenience store. He suddenly pulled me after I did a lame cover up, I tripped-I mean, we both tripped and ended up ruining the stack of shelves in the convenience store.



Hindi ko alam kung sadyang aksidente lang ang lahat o talagang may kakambal na kamalasan ang lalaking to.



"Sandali lang po Maam at Sir ha? On the way na daw po si Sir Carriaga para makipag-usap sa inyo pero medyo matatagalan siya kasi kakaalis niya pa lang po ng Lachlane."



Kaya naman ngayon, hindi ko na alam kung ngingiti ba ako sa lalaking nagbabantay dito sa convenience store o ipapakita kong aburido ako dahil ilang oras pa akong maiistuck dito kasama ang ex ko.



"Sige lang. Kaya naman naming maghintay. Atsaka sanay na din talaga akong maghintay." I ended up giving the guy a weird and awkward smile that made him return the same expression.



Three hours pa ang biyahe mula Lachlane and I can't believe that I'll be wasting three hours that I was supposed to sleep para sa owner ng store na to. Gosh! Sayang ang weekends ko because of this damn stupid guy.



Asar akong lumingon kay Hanson na panay ang pagtatype sa cellphone niya. What the fvck? Talagang inuna niya pa yan kaysa makinig sa sinasabi ng tagabantay o magsorry man lang sa akin dahil sa nangyari niyang kapabayaan?



"Psh. Gago pa rin talaga." I rolled my eyes and crossed my arms.



We were just a few centimeters away kaya umaasa akong narinig niya ang binulong ko. Pero nang nilingon ko siya, nakafocus pa din siya sa phone niya.



"Hay nako. Andami na talagang may problema sa pandinig ngayon."



Tumayo ako at naglakad muna palabas ng convenience store. Hindi ko kayang tiisin na lumalanghap kami ng parehas na hangin sa loob ng store na yun. Hindi ko kayang makipagshare ng oxygen sa isa sa mga pinakaduwag na taong nakilala ko.



10 years na ang nakalipas pero iba pa rin ang epekto ni Hanson sa akin. Bakit pa ba kasi siya bumalik? Well, it's not like I own Alveolar or the Philippines pero balita ko maganda na ang career niya doon. Stable ang job, malaki ang sweldo, at napakaganda ng opportunities abroad!



Kaya naman, bakit? Gusto niya ba ulit akong siraan ng bait? Gusto niya ba ng comeback-?! Ay punyeta.



Napasampal ako kaagad sa sarili ko. Tandaan mong hindi ka marupok Sunshine. You must not fall inlove with this guy again.



I bet marami na siyang babae dun sa Canada. Who wouldn't fall for him with that tall height, gorgeous face, and personality? Minus lang talaga yung pagiging duwag niya. Pero pano kung mas naging matibay na siya because of his experiences?



Pano kung mas naging matibay na din siya tulad ko?



I clicked my tongue before finding that thing on my bag. Bakit ba kasi siya ang iniisip ko? Nawalan na siya ng pake sa akin 10 years ago kaya dapat ay wala na rin akong pake sa kanya ngayon. Naii-stress lang tuloy ako.



Teka. Nasaan na ba yung-



"Ate-!"



"Ay sigarilyo-!"



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon