Kabanata 45: Who the Hell is Renzo?
After my closure with Hanson in Saami, I felt like a huge thorn on my chest got pulled out.
Katulad ng inaasahan ko ay nakatulog ako ng maayos pagkatapos ng usapan namin. And I could definitely tell that Hanson also had a good night's sleep because of how he greeted me before we part ways.
Masarap nga talaga sa pakiramdam na magpatawad. It may not be easy to forget the bad things that happened, pero iba pa rin talaga sa dibdib kapag nagkaroon kayo ng agreement na maging okay na sa isa't-isa. Hanson was able to play a huge role in my life. And giving him the forgiveness was definitely the key to let all the burden away.
Masaya tuloy akong dumiretso sa sementeryo mula sa Saami para kausapin si Tatay. I narrated everything that happened to me and Hanson yesterday. At kahit papano, ay mas nabawasan pa ang tinik sa dibdib ko dahil parang naramdaman ko na aprubado ni Tatay ang ginawa kong desisyon.
"Paano ba yan Tatay? Aalis na muna ako kasi hindi pa ako nakakaligo." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at ngumiti sa harap ng puntod ni Tatay. "Baka may makakita pa sa akin dito. Nakakahiya naman kung-"
"Kung malaman na hindi ka pa naliligo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng hindi gaanong pamilyar na boses. I felt like I've heard that voice somewhere or for only once pero hindi pa talagang nagreregister sa akin ang identity niya.
"Sino ka-?"
Parang umurong ang dila ko nang makita ko ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. It was not one of my classmates from college, high school, or elementary. But it was someone that I've met just recently.
"M-Mr. Carriaga!"
"I'm surprised to see you here, Ms. Ortiz. But I'm more surprised with what I've heard."
He maintained the poker face kaya naman hindi ko alam kung nagbibiro siya o talagang seryoso siya sa sinabi niya. Kaya naman awkward nalang akong ngumiti at napahilamos ng palad ko sa mukha.
I just did something embarassing again sa harap ng pretihiyosong tao sa larangan ng journalism.
"Ay oo nga pala." Binago ko ang topic para hindi na sa akin ang focus ng usapan. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"I came here to visit my Mom's grave."
Napa-O ako dahil sa sinabi niya ngunit mas nabigla ako nang ilagay niya ang basket ng bulaklak na hawak niya sa tabi ng puntod ni Tatay. It's all because it was the same grave where Renzo's mom was buried.
"M-Mama mo?!"
Ang sabi ni Renzo sa akin, Mama niya daw si Mrs. Carriaga. So if Mama din ni Break Carriaga si Mrs. Carriaga, that makes him and Renzo brothers!
"Yes. Why do you look surprised and excited at the same time?" Tinakpan ko ang bibig ko and controlled my smile.
"I'm sorry. Nagulat lang talaga ako kasi hindi ko inaakalang nakilala ko na pala ang dalawang anak ni Mrs. Carriaga."
"Huh? Dalawang anak?" Nagsalubong ang mga kilay ni Break Carriaga before crossing his arms.
"Oo dalawang anak! Ikaw at Si Renzo! Kaibigan ko yung kapatid mo na palaging dumadalaw sa Nanay niyo!"
"WHAT?!"
Napabalikwas ako when Mr. Carriaga shouted. He was usually calm and composed pero nag iba ang pananaw ko tungkol sa kanya dahil dito.
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Sunshine
FantasíaA Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school, sa bahay, mga kaibigan, at lalo na sa pagsasayaw. But her life suddenly changed after receiving a magic necklace from an old woman. She gai...