Kabanata 43: I Don't Sleep With My Enemies
Malalaki ang patak ng mga ulan kasabay ng malakas na bugso ng hangin na para bang plano nitong tanggalin ang bubong ng mga classrooms sa Saami Elementary School.
Ilang oras lang bago magstart ang family day program, bigla bumugso ang napakalakas na ulan. Since the venue of the program is on the open field of the school, napilitang lumipat ang lahat sa gymnasium ng SES. We didn't enjoy the games that much dahil parehong wala sa mood sina Shelly at Coral na maglaro.
They were unusually quiet while watching the families play. I started observing their actions and I figured out na baka sila nagkakaganito ay dahil hindi nila totoong Mama at Papa ang kasama nila.
Napabuntong hininga ako at tahimik nalang din na nanood sa mga naglalaro. Wala naman kasi akong magagawa to boost their energy. Mukhang iba pa rin talaga sa pakiramdam nila kung totoong parents ang kasama nila ngayon.
Muli akong bumuntong hininga bago napalingon kay Hanson na tahimik lang din na nagmamasid sa mga bata. I really felt awkward earlier after I heard him say that I'm pretty. Pero mukhang kailangan ko siyang kausapin ngayon para naman sumigla ang mga bata.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag ko ang started typing a message for him. Tinanong ko siya kung may mai-susuggest ba siyang plano para kina Shelly and Coral. He received the message instantly, stared at me for a couple of seconds bago siya nagkibit balikat.
Hanson: Sorry. Wala akong alam sa mga bata eh.
Tumikhim ako bago muling binalik ang atensyon ko sa mga naglalaro. Natapos na pala ang second game kaya naman inannounce na ang winners bago sinabi ang sunod na game.
"Ang susunod na game natin ay tinatawag na paper game! Before we officially start our next game, we will need four families with four family members!"
Paper Game?
Nagsalubong ang mga kilay ko at inisip kung anong klaseng game ang binanggit nila. Yun ba yung sasayaw tapos may newspaper na tatapakan kapag nagstop ang music?
Nanlaki ang mga mata ko at automatikong gumalaw ang braso ko para magparticipate.
"Kami Maam! Sasali kami!" Napalingon sa gawi namin yung teacher na emcee along with the people near us dahil sa lakas ng sigaw ko.
"Ninang!" Coral tugged my arm. "Kadiri po yung game na yan!"
"Huh? Bakit naman Coral?" I asked. Still clueless about what she was trying to say. "Anong nakakadiri sa paper game?"
Coral turned her head to Shelly who is now wearing a very mischievous smile. Hindi ko na alam kung anong binulong niya sa kapatid niya dahil kinuha ng atensyon ko ang emcee na lumapit sa akin.
"Hello po Dj Sunshine! It's nice to see you here!" Lumingon siya kay Hanson na nakangiti sa kanya na kita ang mga ngipin. "Wow DJ! Ang gwapo naman po ng Mister niyo!"
"Huh?!" Napangiwi ako at lumingon sa paligid nang magsimula ang mga taong ilabas ang mga cellphone nila. "Hindi ko po siya Mister, Maam!"
"Talaga ba?! Bagay na bagay po kayo ni Sir eh!" Lumapit yung teacher kay Hanson at magalang na tinanong ang pangalan nito.
"I'm Hanson Miranda, Maam. And I'm working as a Psychologist in ACDH."
Narinig ko ang sabay sabay na pag-"Ooooh" ng mga Nanay at Tatay sa paligid. Hindi ko naman alam kung bakit maintriga kaming tinignan ng emcee habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Sunshine
FantasyA Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school, sa bahay, mga kaibigan, at lalo na sa pagsasayaw. But her life suddenly changed after receiving a magic necklace from an old woman. She gai...