46

6 0 0
                                    

Kabanata 46: Doomsday

Life can be full of regrets. The moment that we start doing something, even if we were not able to reach the finish line yet, we can already feel something regretful in our decisions.



I kept on telling myself to completely shut myself out from Nanay. Sinabi kong tatanggalin ko lahat ng strings na posibleng makatrace sa akin papunta sa kanya. I made this decision and promised that I'll do everything to not get myself involve with her businesses until the day I die.



But now, I'm deeply regretting all of those things. I'm deeply regretting those decisions.




I hugged my knees tightly while sitting at the corner of the police station. Kasama ko ngayon sa upuan sina Happy at Greggy habang pinapanood si Hanson na makipag-usap sa police.



It was already 3 p.m, exactly 5 hours since Renzo and his gang kidnapped Nanay. Pero wala pa rin kaming update kay Break kaya naman hindi pa rin natutunton ng mga pulis si Nanay. They tried to trace her and Break's phone number earlier but they were not able to locate Nanay anymore.



Kaya naman talagang kinakabahan na ako kung sino si Renzo. May naging kasalanan ba ako sa kanya? O si Nanay ang may naging kasalanan sa kanya?



Alam ko sa sarili kong wala akong naagrabyadong tao. Kung sa side naman ni Nanay, wala na akong kilalang tao sa buhay niya kaya wala akong maisagot nang tanungin nila ako tungkol dito. I am her daughter but I wasn't able to check on her para tanungin kung okay lang ba siya, kung wala bang problema, at kung wala bang mga nagbabanta sa kanya.



Napasabunot ako sa buhok ko bago ako tumayo at nagpaalam kanila Happy at Greggy na lalabas muna ako. Both of them volunteered to come with me pero pinigilan ko sila.



"Sandali lang naman ako sa labas." I forced a smile to assure them that I'll be okay. "Baka hanapin ako ni Hanson kaya dito na muna kayo."



Kaagad akong lumabas ng police station pagkatapos kong sabihin 'yon. Kasabay ng pagtapak ko sa labas ay ang pag-agos ng mga luha ko.



Ang sama sama kong anak. Tatay will totally be disappointed in me for what I did to Nanay for the past years. Why did I even shut my doors for her?



She wanted to say sorry but she decided to be quiet and distance herself from me. Para lang rin siyang nasa sitwasyon ni Hanson. She became coward to accept the reality na siya dapat ang i-blame over what happened to Tatay.



Hindi ko rin naman siya magawang malapitan dahil galit talaga ako sa kanya. Siya ang natatanging tao na naiisip kong sisihin sa lahat ng nangyari. She left me when I was a child at siya pa ang naging dahilan para tuluyang mawala sa akin ang Tatay ko.



Napaupo ako sa hood ng kotse ni Hanson at muling napasabunot sa sarili ko. Naghanap ako ng panyo na ipangpupunas sa luha ko ngunit nahanap ko naman ang kwintas na matagal ko ng hindi sinusuot.



Ang sunflower necklace ko na may kapangyarihang tumupad ng kahilingan.



"Grabe. Paano ka napunta dito?" Inangat ko ang kwintas sa ere at hinayaan itong masinagan ng araw.



I hid this necklace in my cabinet ten years ago. After Tatay died and Hanson left, marami akong ginawang kahilingan para gumaan ang mabigat na damdaming nabuo sa dibdib ko. But I never heared that voice, and none of those wishes came true kaya naman pinili kong itago ang kwintas.



I never believed with its magic anymore. I chose not to believe it pero ngayon, parang gusto ko ulit maniwala.



Wala naman kasi akong naaalalang nilagay ko ang kwintas na 'to sa bag ko. So maybe, just maybe, something magical happened that gave it the power to appear inside my bag to help me.




A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon