Kabanata 14: Sleepover (Part II)
Mabilis na pumatak ang gabi. Rinig na rinig ang pag-echo ng mga boses ng nagkakatuwaan na mga boys sa labas ngunit pinili na muna namin ni Gracie magluto ng kakainin namin.
"Uy Sunshine~ Okay na ba kayo ni Ouie? Nagkausap na ba kayo ng masinsinan kanina?" Sinulyapan ko si Gracie habang abala ako sa pagbukas ng mga pack ng pancit canton.
Kaagad na nag-init ang mga pisngi ko nang maalala yung nangyari kanina. Wala namang nangyaring pag-uusap na masinsinan dun.
"Hindi ko alam. Hindi pa naman kasi kami nagkakausap. Matagal pa sigurong mawawala yung awkwardness sa aming dalawa."
Nakaupo lang kaming dalawa sa stools ni Gracie habang hinihintay na kumulo ang pinapainit naming tubig para sa pancit canton. Napabuntong hininga ako pagkatapos kong magsalita at pinaglaruan na muna ang mga kamay ko.
"Hindi ka ba niya tinanong ulit kung... alam mo na, pwede pa bang manligaw?" Tinaasan ko siya ng kilay bago kumurot sa hindi pa nalulutong canton at sinubo ito.
"Ayoko na ulit marinig yun. Hindi ko na talaga kung anong gagawin o isasagot ko sa kanya sa sunod na pagkakataon." Napabuntong hininga si Gracie bago humaba ang nguso niya.
"Sabagay. Pero wala ka man lang bang nararamdamang iba sa kanya? Come on Sunshine! Ang gwapo ng bestfriend mo oh! May mansion, may resort, saan ka pa?" Napakamot ako ng ulo ko.
"Hindi naman siguro kasama yun sa mga reasons kung bakit ka magkakagusto sa isang lalaki. Magugustuhan mo pa rin talaga siya bigla kahit pa anong estado niya sa buhay o ano pang itsura niya." Tumango-tango naman siya bago tinapik ang balikat ko.
"Don't worry girl. Support lang kita sa kung sino man ang pipiliin mo."
"Anong pipiliin? Mag pagpipilian ba?" Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng mapang-asar na tingin.
"Sus. Para namang hindi mo pa alam!" Umiling nalang ako bago sinimulang ibuhos yung mga canton sa kumukulong kaserola.
Haist. Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam eh.
Natapos na naming lutuin ang pancit canton kaya naman hinatid na namin ito ni Gracie sa may sala. Abala yung mga boys sa paglalaro ng play station kaya naman kami pa rin ni Gracie ang bumalik sa kusina para naman kunin ang mga plato at iba pang pagkain. Siya na ang pinabitbit ko ng mga pagkain habang ako naman ang kumuha sa mga plato.
Grabe. Parang nagsisilbi kami ng mga prinsipeng hindi makalakad! Pero okay lang naman. Nag-eenjoy naman kami sa ginagawa namin.
"Hey Sunshine!" Natigil ako sa pagkuha ng plato ng pumasok si Bryle habang nakapamulsa.
"Uy Bryle! Anong ginagawa mo dito?"
"Naguguilty na ako kasi kanina pa kayo busy ni Gracie." Napakamot siya sa batok niya. "Hindi naman ako marunong magluto kaya ano bang pwede kong maitulong?"
"Nako! Hindi mo naman kailangan tumulong!" Tumawa ako bago nilibot ang paningin sa kusina. "Pero kung gusto mo talagang tumulong, ikaw nalang magdala ng mga yun!" Itinuro ko ang anim na platong magkakapatong.
"Oh sure! Walang problema!" Lumapit na siya sa mga plato at nang bubuhatin niya ito ay napansin niyang hawak niya ang cellphone niya. "Wala nga pala akong bulsa. Pwedeng diyan muna sayo ang phone ko?"
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Sunshine
FantasyA Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school, sa bahay, mga kaibigan, at lalo na sa pagsasayaw. But her life suddenly changed after receiving a magic necklace from an old woman. She gai...