12

18 3 0
                                    

Kabanata 12: The End Game for His Pain

"Oy ano na? Ayaw mo ba magkwento?" Napabuntong hininga si Hanson at sinara na ang librong binabasa niya.



"Ano ba kasing gusto mong ikwento ko?"



Kagulad nga ng sinabi ni Duke, gusto ko malaman ang kwento ni Hanson. Specifically, ang kwento ng buhay niya. Gusto kong marinig mula sa kanya ang mga naging problema niya mula pagkabata lalo na ang issue niya sa tatay niya.



"Kahit ano! Makikinig ako!" Ngumiti ako at nagsalumbaba sa arm chair ko.



"Hindi mo talaga ako titigilan no?"



"Hindi nga! Kaya go na!" Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo bago siya napasandal sa upuan niya.




"Only son ako ng family namin. My Dad was a famous news anchor while my Mom is an agriculturist. Our family was happy and perfect until 12 years ago, my mother died due to an accident while trying to find me after I got lost. So basically, it's my fault why she died." Parang may kumirot na parte sa puso ko habang naiisip ang sarili ko na nasa sitwasyon niya.



"Oras na ng Mama mo yun. Dapat hindi mo sinisisi ang sarili mo." Umiling siya sa akin.



"No matter how I convince myself, paulit-ulit ko pa ring sinisisi ang sarili ko. Kung hindi lang siguro ako nawala nung gabing yun, makakasama ko pa siya hanggang sa maka graduate ako." Umiwas siya ng tingin sa akin at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa liwanag.



"Okay lang kung hindi mo na kayang ituloy-"



"No. I think sharing really helps me in minimizing the burden that I keep on carrying for years." Mabilis niyang pinunasan ang maliit na luha sa mata niya bago nagpatuloy.



"Matagal na nagalit sa akin si Dad. Hanggang ngayon ay obvious na galit pa rin siya. Sinisigawan niya ako, hinahampas, and his temper really went bad. Until a woman came and changed him after 2 years."



"Dito na ba eenter yung step mother mo?"



"Yes."



"Akala ko wicked ang step mother mo katulad ng kay Cinderella. Sige go! Continue na!" Nilingon niya ako at sandaling umangat ang gilid ng labi niya.



May nakakatawa ba?



"Hindi pa ako nakakamove on kay Mom nun when my step mom entered our lives. Nagkapalagayan sila ng loob ni Dad and he married her after 5 years since Mom died. Ang kitid ng utak ko nung time na yun to get mad at her while thinking that she's trying to replace my Mom in our family. I hated it everytime she calls me son but she never scolded me. I tried to be less rude to her ng makita ko na ang purpose and value niya in Dad's life. Nagawa na akong matignan ni Dad dahil sa kanya. Pinapagalitan, pero hindi gaanong mabigat na umaabot sa pagpalo dahil meron ng palaging pumapagitna sa amin. I'm not that close with my stepmom but I actually thank her for her efforts to bring us closer again kahit na wala pa ring progress."



Ma drama nga talaga ang buhay ni Hanson. Umalis man si Nanay sa buhay namin ni Tatay ngunit kahit kailan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.



"Maswerte ka pa rin Hanson. Kahit na ganun ang nangyari sa Nanay mo, may tumayo namang Nanay sa pamilya niyo kahit hindi mo siya matanggap."



Bigla kong naalala si Nanay dahil sa sinabi ko. Mas okay siguro kung namatay nalang siya kaya niya kami iniwan pero nagpaka-Nanay lang din siya sa ibang bahay.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon