Ace's POV
Bahagya aakong napakurap nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Bukod dito, ang init sa paligid ko ang nagpagising din saakin. Akmang babangon ako ng kumirot ang likod ko. "Shit." Usal ko ko at saka dinahan-dahan ko ang pagbangon hanggang sa mapansin ko ang itsura ng kapaligiran ko. Kumunot ang aking noo at naaalala na nandito nga pala ako sa bahay ni Nile.
Agad din na nanumbalik ang mga kamalasan sa buhay ko. Ilang minuto din ako na umupo sa di-kalambutan na kama at saka hinayaang mag-sink in sa utak ko na wala na ang kumpanyang pinaghirapan ko, pati ang bahay ko at bank accounts. "Fuck, so what now?" tanong ko sa sarili ko. As if on cue, may kumatok muna sa nakasaradong pintuan bago ito bumukas.
"Oh, gising na pala kayo, boss."
"Yeah.. How long I was out?" tanong ko habang hinihilot ang aking sentido. Nasobrahan yata ako sa tulog kaya sumasakit ang ulo ko. Idagdag mo nadin ang init na bumabalot sa kuwarto.
Agad na binaling ni Nile ang kaniyang tingin sa relos na nakakabit sa kaniyang pulsuhan. "Ahm, malapit na mag-alas tres boss." Sagot nito. "Seriously? Ganon katagal?"
Tumango ito. "Gigisingin ko sana kayo kanina kaso malalim tulog niyo eh." Paliwanag niya. "Anyway boss, patapos naman na ang niluluto ko. Labas nalang kayo boss." Dagdag pa nito bago isinara ang pintuan.
Napahilamos nalang ako sa mukha at saka nahiga ulit. Ilang minuto ang makalipas, napag-isipan ko nadin na lumabas, dahil hindi na kaya ng electric fan na palamigin ang kuwarto. The humidity is killing me.
Agad na sinalubong ako ng mabangong aroma. Pamilyar saakin ang amoy ngunit hindi ko mapagtanto kung ano ng aba 'yon. "Upo ka na dito boss." Ani ni Nile at saka itinuro ang maliit na hapag kainan. Napakamot nalang at saka umupo sa isang upuan. Maliit lang mesa na gawa sa plastic, square-type na halos apat na tao lang yata ang kasya dito. Habang naghahain si Nile, hindi ko maiwasan na punahin ang mga kubyertos nito. At talagang isang pares lang ng kutsara at tinidor ang pagmamay-ari ng tao na 'to. Pati baso at plato iisa lang!
"Ang kuripot ha." Komento ko nang i-abot saakin ni Nile ang plato at utensils na dapat ay siya ang gagamit. "Eh mag-isa lang naman akong naninirahan kaya pang-isahang tao lang mga gamit dito." Paliwanag niya at saka inihapag ang kanina niya pa niluluto.
"What's that food called again? Abobo right?" tanong ko pa habang sumasandok ng ulam. Nagtaka ako nang marinig ko ang impit na tawa ni Nile. "What?" taas-kilay na tanong ko habang pinipigilan padin nitong matawa.
"Boss, it's A-DO-BO not A-BO-BO." Nile corrected as he laughed again. "Ay bobo.." ani ko at saka napakamot nalang sa ulo. "A-Aba malay ko! Do I look like I cook?" irap ko at saka nagsimulang kumain. Si Nile naman ay sinaluhan ako gamit ng paper plate at saka plastic na kutsra at tinidor.
"So boss, ano na plano niyo?" tanong ni Nile nang matapos kami na kumain. Nagkibit-balikat lang ako habang uminom ng tubig na lasang kalawang. "Honestly, I don't know a single shit to do." Ani ko at saka huminga ng malalim.
"Wala na ang lahat saakin. Parang isang iglap lang nawala lahat ng akin. Biglaan ang mga pangyayari Nile. Honestly, I'm amazed as fuck na nakakakain pa 'ko ng maayos. Like damn, I should be depressed right now." Walang emosyong tawa ko at saka sumandal sa plastic na upuan. "So yeah, hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. But one thing for sure, hindi ako puwedeng magpakita sa media at sa hinayupak na Clone Hernandez nayan. I need to sort things out before I appear publicly again." I sighed.
BINABASA MO ANG
His Homeless Lady (On-going) (Novelas De Amor Series 1)
RomanceHis Homeless Lady (Novelas De Amor Series 1) A rich and famous billionaire sees himself as one of those people who will never experience a downfall. Ace Xerxes Azure has everything a man needs or wants in his life. Fortune, fame, and the looks that...