Chapter 12

10 4 0
                                    

ACE'S POV


Damn! That was close. Mabuti nalang at napalayas ko siya agad kung hindi magtataka 'yon kung bakit ako magpupunta sa 7-Eleven. Pero pwede niya rin na isipin na may bibilin din ako, ngunit baka ibuko ako ng nasa shift ngayon.


Isinuot ko ang facemask na dala-dala ko bago ako tumawid papunta sa mini-mart. Wala pang gaanong tao sa paligid dahil maaga pa naman, napansin ko ang isang motor na nakagarahe sa harap ng mini-mart, marahil ay pag-aari ito ng babae na nasa loob.


Pagkabukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ng babae na masama ang tingin. Siguro ay nasa trenta na ito..


"Ikaw ba 'yong bagong magtatrabo dito?" walang gana niyang tanong. Napataas lamang ang kilay ko bago ako tumango. "Good. Mabuti at dumating ka ng maaga, baka mabugbog kita kung hindi." she warned using her stern voice. Hindi ko alam kung ano ang pumasok saakin ngunit nakaramdam ako na kaylangan ko ngang sundin ang sinasabi niya. Hindi siya katangkaran ngunit malaki ang katawan niya, kahit siya ay babae.


"Oh siya, gagayak na 'ko. Ikaw na bahala dito." iniwan niya ang susi sa counter at tinapik-tapik pa ang balikat ko bago ito lumabas ng 7-Eleven.


"Damn," usal ko nang maramdaman ko na bumakat ang palad ng babaeng 'yon sa balikat ko. "She's tough."


Nang mag-isa ko na sa mini-mart ay inaral ko muna kung paano ba mag-punch ng item. Mabuti nalang at dala ko ang telepono ko, at nakasulat ang Wi-Fi password sa isang drawer dito sa counter. Prente akong umupo at saka nanood sa YouTube kung pano mag punch ng items.


Nasa kalagitnaan na ako ng pinapanood ko nang may pumasok na customer sa loob. Isang estudyante, na kung huhulaan ko ay highschool pa lamang dahil sa suot nito na uniform. Mabilis itong umikot sa mini-mart at agad na nagtungo sa counter upang magbayad.


Tahimik lamang siyang naghihintay, hanggang sa hindi na siya nakapagpigil. "Ahm, kuya? Pwede pong paki-punch na po 'tong item? Mahuhuli na kasi ako sa klase eh." natataranta nitong ani.


Umayos ako ng umpo at saka sinenyasan siya na maghintay. Pinagpatuloy ko ang tutorial na pinapanood.


"Then you want to press the little button of  item puncher using your index finger. Make sure you punch it at the code." Ani ng babae na nagsasalita sa screen.


Kinuha ko ang ready-to-eat na sandwich na binibili ng batang babae at saka hinahanap ang code nito. Kinuha ko ang parang maliit na baril at saka pinunch ang item.


"Oh, so that's how you do it." aniya ko sa sarili ko.


Tila nagtataka pa ang batang babae dahil wala sa sarili niya akong tinitignan. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. "What? I was curious how to use it so I watched a tutorial." sabi ko sa babae. Napailing-iling nalang ito at hinintay ako matapos.


Pinanood ko ang katuloy ng tutorial sa YouTube kung paano naman gamitin ang maliit na screen na nasa harapan ko. It turns out you have to press particular buttons to open the cash drawer.

His Homeless Lady (On-going) (Novelas De Amor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon