Chapter 9

12 3 0
                                    


Ace's POV  


Agad akong lumabas sa kuwarto nang maramdaman kong naiihi ako. Napatakbo ako sa kabilang panig ng kusina kung saan naka-lagay ang banyo. Hinawi ko ang kurtina at napamura nang bigla akong mauntog papasok.


"Damn it!" sigaw ko habang hawak-hawak ang noo ko at saka yumuko papasok sa banyo. Nang matapos ako sa gawain ko ay umupo ako sa kusina para kumain. Pero wala pa palang naluto si Nile. "Nile!" sigaw ko ngunit nagtaka ako nang walang sumagot. "Nasan na yun?" tanong ko sa sarili at saka tumayo. Naglakad ako palabas upang tignan kung nasa labas siya ngunit nabigo ako. Bumalik ako sa loob at saka tinignan isa-isa ang mga kuwarto dito sa 'bahay'.


Naikot ko na ang masikip na bahay ngunit wala akong nahanapan na Nile. "Siraulong 'yon. Akala ko ba maglilinis kami ng bahay?" pagkausap ko sa sarili. Bumalik nalang ako sa kuwarto ni Nile at saka nahiga ng ilang minuto bago ko narinig ang dalawang boses sa 'di kalayuan.


"Oh tuloy ka.."


"Boss, nandito na 'ko!"


Kumunot ang noo ko sa narinig. May kasama ba ito? At kung mayroon man, who the fuck is that?


Napabalikwas ako sa pagkakahiga at saka agad na lumabas nang kuwarto. Masama ang tingin na binigay ko kay Nile dahil iniwan ako nito ng walang pagkain. Ngunit napalitan ng gulat ang matalim ko na tingin nang bumaba sa kasama ni Nile ang tingin ko.


No. Freaking. Way.


"I-Ikaw?!" agad na lumabas ito sa bibig ko at sabay turo sakaniya. Nabitawan niya ang dala-dala na bag at saka nanlaki ang kaniyang mata. Kay liit nga naman ng mundo? Hindi ko inaasahan sa tanang buhay ko na makikita ko pa ang pagmumukhang 'to. "What are you doing here?!" may halong inis ang boses dahilan para kumunot din ang kaniyang noo.


"What are you doing here?" pagbabalik niya saakin ng tanong. Hindi ako nakasagot kaagad-agad.


"Wait, you two know each other?" Nile asked us both, he seemed so confused in what's happening right now. Oo nga pala, hindi ko siya kasama noon sa Greece kaya hindi niya alam ang pagkikita namin noon.


"Hindi!"


"No!"


Sabay na sagot namin, dahilan para mas manlisik ang tingin ko sakaniya. "Ang kapal ng mukha mong i-deny ako?" naiinis na usal ko, dahilan para matawa siya.


"Oh bakit? Hindi mo din naman ako kilala diba? Maka-no ka jan.." masungit na sagot nito at saka umirap. Magsasalita pa sana ako nang bigla akong unahan ni Nile.


"Hep! Hep! Tama na yan." Pang-aawat nito saaming dalawa. Kahit na limang metro ang layo naming sa isa't-isa, hindi ko mapigilan na maalibadbaran. Hindi ko din maiwasang isipin kung paano siya nakarating dito sa Pilipinas. The last time I checked, she was poor as a rat. Ginamit niya kaya ang pera ko?

His Homeless Lady (On-going) (Novelas De Amor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon