Chapter 10

14 4 0
                                    



Meg's POV



Matapos kaming kumain na tatlo ay ako na ang nagboluntaryo na hugasan na ang mga plato dahil magtatalo nanaman ang dalawa kung iiwan ko ang mga hugasin sakanila. Sa tatlong linggo kong pagtira sa bahay na ito bahagya ko nang nakakasunddo si Nile. Hindi pala, siya lang pala ang kasundo ko dito.


Napairap ako sa hangin nang maalala ko ang pagmumukha ni Ace. Sa tatlong linggo, wala kami nagging matinong pag-uusap, kung kakausapin niya ako ay padabog. Kaunti nalang talaga tatadyakan ko ulit ang pagkalalaki niya para magtino siya.


Habang nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng plato, biglang may sumulpot sa tabi ko. Speaking of the devil..


Kumuha ito ng baso at saka pinuno ito ng tubig. Uminom lang ito ng kalahati at saka itinapon sa sink ang natitira. Agad na kumunot ang noo ko at saka siya binatukan.


"What the hell is your problem?!" he snapped. Salubong ang kaniyang kilay na hinarap ako.


"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" panduduro ko sakaniya. "Alam mo ba kung gaano kamahal ang tubig ngayon? Kung iinom ka kase, kumuha ka lang ng mauubos mo!"


"Shut up! Bakit? Ikaw ba ang bumili ng tubig na 'to?" pang-hahamon niya saakin. Ipinagkrus niya ang mga braso at saka binigyan ako ng nanghahamon na tingin. Hindi ako sumagot.


"Just what I've thought." He scoffed. "Sa susunod kasi alamin mo muna kung sa'yo bago mo bakuran-"


"Hoy mister! Kahit hindi ako ang bumili jan dapat lang na magtipid at huwag magsayang." Sagot ko pabalik habang binabanlawan ang mga pinagkainan. "Palibhasa mayaman kaya ang ddali para sa'yo ang magsayang.." bulong ko sa hangin.


"Ano kamo?" masungit niyang tanong saakin. Nakalimutan ko nandito pa pala siya.


"Wala! Ang sabi ko bumili ka ng sarili mong tubig at iyon ang sayangin mo! Mayaman ka naman, ba't ka ba nagtitiis dito?!" Singhal ko sakaniya. Ang naiinis niyang mukha ay napaltan ng malamig na ekspresyon.


"Wala kang paki-alam." he said in gritted teeth. Natawa ako sa isip ko sa kaniyang ipinakita.


"Pikon ka pala eh."


"Whatever.." sagot nito. Akmang aalis na siya ng pinigilan ko ito.


"Hoy siya nga pala, bago ko makalimutan." Panimula ko habang tinutuyo ang kamay ko. "Nasaan na pala ang kuwintas na binigay ko sa'yo noon?" tanong ko. Matagal na din ang nakalipas nang hui ko itong makita.


Tumaas ang kilay niya saakin at nagtatanong. "Anong kuwintas?" he acted like he doesn't know what I'm talking about.


"Yung kuwintas!" kasabay ng pagtaas ng boses ko ang pagtaas din ng kaba na nararamdaman ko. Hindi puwedeng mawala iyon.

His Homeless Lady (On-going) (Novelas De Amor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon