Chapter 15

14 2 0
                                    



Meg's POV


"Enjoy your drinks, ma'am!" masiglang ngiti sa isang customer bago ko ihinatid ang order niya sa kaniyang table. Mukhang nag-iisa lang siya na magpunta dito sa shop na dala ang kaniyang laptop, kahit na mag-isa siya ay bakas sa kaniyang mukha ang saya. Napangiti ako. Natutuwa ako na may mga babae na hindi dumedepende sa iba upang maging masaya.

Ilang beses rin ako nagserve ng mga customers ng iba't-ibang inumin at pagkain hanggang sa dumating na ang alas-tres. Habang naghuhugas ako ng mga baso at plato, naiimagine ko ang sarili ko na nagtatayo ng sarili ko na shop at nagseserve ng mga customers sa sarili ko na recipe ng kape at mga pagkain. Wala sa sarili nalang ako na napangiti sa ideyang iyon.

"Ikaw palang yata ang nakita ko na ngumingiti habang naghuhugas ng plato." Bahagya akong nagitla nang bigla tumabi saakin si Harris. Suot nito ay isang apron na pang baba at ang aming t-shirt na pang-trabaho. Hindi ko maikaila na maganda ang nga kaniyang tindig. Bumagay sa maputi niyang kutis ang itim na t-shirt na saktong-sakto sa hubog ng kaniyang katawan. Hindi na ako magugulat pa kung siya ang dahilan kung bakit maraming mga estudyante ang nagpupunta rito matapos ang klase.

"Bakit? Dapat ba nakasimangot kapag naghuhugas ng plato?" biro ko sakaniya at saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ko ng mga plato at tasa. Narinig ko ang mahina niyang tawa sa aking sinabi.

"Wala naman akong sinabi ah?" sagot niya pabalik saakin. Napailing-iling nalang ako sa kaniya. "Ano, kamusta ka naman dito? Inaaway ka pa ba ni Donna?" sunod sunod niyang tanong saakin.

"H-Hindi na.." tugon ko sa kaniyang huling tanong. Pero ang totoo niyan ay pagpasok ko palang dito sa shop ay agad akong hinarang ni Donna at sinabihan ng kung ano-ano. Gustuhin ko man na sumbatan siya pabalik ngunit mas alam ko ang dapat na gawin. Lalaki lamang ang gulo kung patulan ko pa ang pagiging immature ni Donna na hanggang ngayon ay hindi parin malinaw saakin ang dahilan kung bakit siya inis na inis saakin gayong wala naman akong ginagawa sakanya. Wala na rin akong balak na sabihin ito sa iba at posibleng makarating ito kay Donna. Isumbat niya pa saakin na nagsusumbong ako.


Hindi na muna pumapasok dito sa shop sina Haze at Callie dahil nag rereview na sila sa nalalapit nila na exam. Naintindihan naman daw iyon ni Sir Shawn kaya't naka leave mune sila ng ilang linggo. Mabait nga si Sir Shawn. Mga mapagkakatiwalaan ang mga napili niya ritona mamahala sa shop. Kahit na ilang beses lamang siya bumisita dito ay maayos parin ang takbo nito. Hindi ko lang alam kung bakit nakapasok dito si Donna gayong mahilig siyang magsimula ng gulo.

"Meg!" tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko na tinawag ang aking pangalan. Nang lumingon ako ay papalapit na saakin si Harris. Nakasuot na ito ng puting panloob at itim na leather jacket. "Pauwi ka na ba?"

"Ah, Oo. Bakit mo naman natanong?" bahagyang naningkit ang mata ko sa kaniyang inasta.

"W-Wala naman.. Ihatid na kita kung ayus lang sa'yo.." he offered. Nagmabuting loob siya na ihatid ako pauwi ngunit tatanggapin koo ba? Hindi ko nais nap ag-isipan siya ng masama ngunit kahapon ko pa lamang siya nakikilala.

"Nako huwag na Harris. May kaylangan pa akong bilhin pauwi. Pero Salamat ha?" nagpaalam nalang ako at saka tumalikod na. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko ngunit nag-iingat lang ako. Oo, mabait siya ngunit hindi ako tiyak kung mapagkakatiwalaan nga siya. Bahagya akong napatigil nang maalala ko ang sinabi ni Nanay. Hindi lahat ng mabait sa'yo, maganda ang intensyon sa'yo. Tandaan mo 'yan anak..


Halos alas-otso na ng gabi ng makauwi ako dahil sa mga pinamili ko na kaylangan 'daw' sa bahay na utos ni Nile. Nahirapan pa ako sa paghahanap ng ibang nasa listahan dahil sa department store pa iyon mabibili. Panigurado mga luho nanaman ito ni Ace. Nang makauwi na ako ay sinalubong ako ng tinig ng mga nagsisiyahang mga tao. Mukhang may selebrasyon na ginaganap kela Aling Rosel.

His Homeless Lady (On-going) (Novelas De Amor Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon