Chapter 1
"I'm tired with this, I'm sorry..."
Unang beses. Unang beses akong nasaktan, at iniwan. Sabi na, wala talagang forever, bakit? Lahat ng bagay-bagay nagbabago, mga feelings ng tao. Mood nga nagbabago, feelings pa kaya?
Ang hirap pala masaktan, yung pakiramdam na iniwan ka na talaga ng taong minahal mo. Yung pakiramdam na gumuguho yung mundo mo. Ang sakit, sobra.
"Bakit? Ano bang kulang sakin ha? Sabihin mo!"
Parang dinudurog yung puso ko nung naglakad lang siya palayo, na parang wala na siyang pakielam. Ni hindi ko nakita sa mga mata niya yung panghihinayang. Sa loob ng 3 years na pagsasama namin ganito lang pala ang ending? Ugh.
"Rianne! Ano ba, nakikinig ka ba sakin ah? Kanina pa ako nagsasalita dito." Sabi ni Zylee, at halata sa mukha niya ang pagaalala. "Okay lang ako." Tipid kong sagot at nagpaalam lang ako na pupunta ng powder room.
Ayoko sa ganitong lugar. Maingay, sobrang ingay. Madami ring problemadong tao, na hindi insip na panandalian lang ang lahat ng ginagawa nilang pagkakalimot.
Inayos ko lang ang sarili ko. Ayokong makita nila akong ganito, nakakapagod narin umiyak, magmukmok. Wala rin naman eh, hindi rin naman na babalik ang nakaraan. Habang inaayos ko yung sarili ko, biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Zylee. Bestfriend ko siya, kabisado na niya ko. Alam niya na iniisip ko parin yun.
"Rianne, kahit ngayon lang please? Birthday ko tapos ang sad sad mo." Sabi niya at nagpout. Nginitian ko nalang siya, a weak smile. "I'll try to be happy Bes."
I can't promise. Ang hirap naman magpanggap di ba? Masyado pang bago lahat, hindi pa nahihilom 'to. Hindi ko pa kaya magsaya. "Ang drama lang ah? Chura mo, wag mo namang itry, gawin mo talaga para sumaya ka.." sabi niya at nginitian ako.
I need to be happy, kahit ngayon lang. Tama siya, ang drama ko talaga sa buhay.
~x~
"Cheers!" sabi ko at tinaas ang baso ko, parang nagulat sila kaya napatingin pa sila sakin. Parang nakakarami narin ako ng inom. "Rianne, wag ka ngang maglasing diyan, under age pa tayo ano ba," kalmadong sabi ni Zylee.
"What? Hayaan mo na ko Zyles, tsaka like duh? Party mo kaya 'to." At ininom ko pa yung isang glass of wine na hawak ko. "Ianne naman," paawat pa ni Hailey.
"Okay lang ako guys! Game, cheers!" pagla-lighten up ko ng mood ng bawat isa. Alam naman nila Daddy na umiinom ako ngayon eh, basta raw ipromise ko na ito lang ang huli kong gagawin 'to. I know that my parents understand me.
Tatlong linggo na ang nakakalipas, magbuhat ng makipagbreak si Jace sakin. He is my first damn love. Sa loob ng tatlong linggo na yun, umiiyak lang ako, nagkukulong sa kwarto. Yung pakiramdam na, down to earth ang sarili ko. Na parabang, nandun parin yung sakit, na ayaw padin umalis sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Bitter Girlfriend
RomanceBitterness. Happiness. Sobrang laki ng pinagkaiba ng dalawang salitang yaan. Kapag naramadaman mo yung happiness na hinahanap mo, masarap at masaya. Pero kapag nalaman mong may katapusan ang lahat dahil sa ilang pagsasawa, masasaktan ka. at doon pap...