Chapter 6
Isang buwan na ang nakalipas matapos ang matinding heartbreak na naranasan ko sa buhay pag-ibig. Sa ngayon hindi ko pa masasabi kung nakamove-on na ba talaga ko, kasi minsan dadating yung time na, maaalala ko nalang bigla yung mga dati naming ginagawa, yung mga pinagsasamahang oras. Nag-let go nga ako sakanya, pero yung puso ko hindi pa nakaka-let go.
At halos isang buwan narin ng maging magkaibigan kami ni Blake. He is also nice. Pumupunta rin siya sa bahay like it's his house, na masyadong feel at home. Inaaya niya rin ako manood ng kanta nila ng banda niya sa school nila kapag uwian, and it is really fun. All in all, okay naman si Blake as my friend, kahit noong una, I feel na mayabang, masungit, snob, pero akala ko lang pala. Sabi nga nila, halos lahat namamatay sa maling akala.
Ng makalipas ang isang buwan, marami na akong narealized, marami ng nagbago, marami naring nadagdag at pumasok sa buhay ko. May umalis nga may dumating naman.
"Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi~ kay simple lang ng ak- Rianne, ano ulit yung lyrics?" sabi ni Kuya at napatigil sa pagstrum ng gitara. At nakita akong nakatulala. Ito na naman ako, ugh.
"Kuya, my mga bagay na kinakalimutan na lamang at hindi na inaalala. Kasi kapag patuloy ka parin sa hindi paglimot,masasaktan ka lang. Ikaw lang yung mahihirapan. Wag kang tanga, hindi ka nabuhay para alalahanin palagi yung lyrics. Mag move on hangga't maari, marami pang ibang kanta diyan, 'wag mong isiksik ang sarili mo sa kaniya masasaktan ka lang."
"Wala kong pake, lyrics yung hinihingi ko, puro ka hugot diyan." Naiiritang sabi ni Kuya at tinuloy ang pagigitara. Ewan ko ba, bigla nalang ako napaisip sa sinabi ko. Saan ko pa nahugot yun?
"Tinanong lang sandali ni Kuya Raive puro hugot ang sinagot, broken na broken hearted 'te?" napatingin kami ni Kuya sa pinto, at nagulat ako ng makitang nakatayo ang isang kyot na kyot na babae. "Zylee?!"
"Oh ako nga, gulat na gulat ka naman ata, Hahahahaha." Sabi pa niya sabay tawa, at lumapit ako sakanya sabay yakap. Halos ilang linggo rin kasing hindi siya pumasok, dahil sa vacation ng family nila. "Napadalaw ka ata?" nagtataka kong sagot kaya biglang kumunot ang noo niya.
"Masama bang pumunta dito para ayain ang bestfriend ko mag-mall?" nakangiti niyang sagot kaya umakyat na ako para magayos na dahil matagal-tagal narin kaming walang bonding. I totally miss those bonding times.
~x~
"Bes, alam mo ba...." At binigyan ko siya ng nagtatakang mukha at sabay sagot ng, "Malang bes, hindi pa." sabi ko pa sabay irap. Ang gara talaga nitong babae na 'to.
"Nagbreak na kami ni Chanyeol," malungkot na sabi niya sabay tingin sa ibang direksyon. So sa loob ng ilang weeks ng pagkawala niya, nasasaktan, nalulungkot, at umiiyak lang siya? At hinimas ko yung likod niya para maiconfort siya kahit papano, alam kong wala akong nagawa para matulungan siyang mabawasan yung sakit.
"Condolence Zyles," sabi ko pa at tinapik tapik yung likod niya, at nagakto ako na parang iiyak pero wala, tumawa na siya bago pa ako umacting. "Ayan, pinapatawa lang kita Zyles, hindi bagay sayo magdrama," sabay tawa kong sabi at naglakad na kami papuntang department store para magshopping.
"Baliw ka talaga Rianne noh? Ayaw pa kaya makipagbreak sakin ni yeol!" At hindi ko nalang pinansin ang maggulong babae na 'to. Ang dinig ko kasi "Charles' yung boyfriend niya, yun pala si Chanyeol ng exo. Todo effort pa naman ako sa pag-acting. "Oo na, kahit kailan ka talaga Zylee," At pumasok na nga kami sa isang Bench stall, may bibilin kasi akong pabango.
BINABASA MO ANG
My Bitter Girlfriend
RomansaBitterness. Happiness. Sobrang laki ng pinagkaiba ng dalawang salitang yaan. Kapag naramadaman mo yung happiness na hinahanap mo, masarap at masaya. Pero kapag nalaman mong may katapusan ang lahat dahil sa ilang pagsasawa, masasaktan ka. at doon pap...