2 // Di ko maalala.

39 2 0
                                    

Chapter 2




"Hey, young lady wake up, malalate ka na sa school mo." Please, 5 more minutes? I'm still sleepy. "Manang ayaw pa ba tumayo ni payatot?" dinig kong sabi ni Kuya.


"Tulog na tulog pa din siya."


"Sige ako na bahala." At narinig ko na nga yung yabag ng paa ni Kuya, parang may nararamdaman akong kakaiba. Waaaah! "Oppa, oppa stop! Nababasa na ko, tatayo na talaga." Sabi ko with my sleepy voice.


"Ayan, nagising narin ang payatot na prinsesa. Mag ayos ka na, 10 minutes lang kundi iiwanan kita." Sabi ni Kuya at sinarado ang pinto ng kwarto ko. Ang sungit talaga nun, nakakainis. Kaya ko ba yun 10 minutes lang? Hays, magmamadali na talaga ako. Nakakadala narin yung nangyari dati na hindi padin ako tumayo, kasi alam kong hindi ako matitiis ni Kuya, pero iniwanan niya talaga ako. Nalate tuloy ako ng bongga noon sa first class ko.


"Ria! Bilisan mo na," dinig kong tawag sakin ni Kuya Raive sa baba. Kahit kailan talaga mahilig siya magmadali. Tsk, at habang kinukuha ko na yung bag ko, nakaramdam ako bigla ng sakit ng ulo. Dahil siguro sa nainom ko kagabi. Teka, parang may mali ata ah?


"Ito na Kuya! Ang atat naman kasi, maaga pa kaya." Sabi ko sabay kuha nalang ng isang bread sa table. Naisip ko bigla kung paano ako nakauwi kagabi dito sa bahay. Nakalimutan ko na yung nangyari kagabi, basta ang huli ko lang naalala ay yung lumabas ako ng bar. Ay basta, pabayaan na nga lang. Lalo lang sumasakit yung ulo ko eh.


"Ano ba, hindi ka pa ba kikilos? Mala-late nako sa first class ko!"


"Naks, lang ah. Kahit ang sungit mo Kuya ang gwapo padin! Hahaha."

Ginulo nalang bigla ni Kuya ang buhok ko sabay ngiti ng nakakaloko. "Alam ko na yun Ria, wag munang ipamukha pa. Hahaha." Inirapan ko nalang si Kuya Raive dahil ang hangin na naman. Sinimulan ko pa kasi.


Hinatid na ako ni Kuya sa school namin. Pagkababa ko ng kotse ni Kuya, nagwave nalang ako. Sabay pasok sa gate ng school, parang iba yung pakiramdam ko ngayon. Parang nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko sa mga problema ko. Hindi ko alam kung anong nakain ko at parang naging maayos na ako. Simula na ba 'to ng tinatawag nilang pagmo-move-on ko?


Basta, ang alam ko lang. Kaya ko ng maging masya. Ang ganda ganda ng gising ko, tsaka parang excited pa ako ngayon pumasok. "Landleton High, I'm back!"


~x~


"Rianne, ano kamusta ka na? Okay ka na ba?" bungad sakin ng nagaalalang mukha ng bestfriend ko. "Ha? Bakit, okay naman ako ah." Sabi ko ng may halong pagtataka.


Sabi na eh, para talagang may-iba. Parang may nagbago talaga sakin simula nung gumising ako kanina. "Hay nako, di mo na naalala noh? Tara muna nga sa taas baka abutan pa tayo ng bell dito."


At umakyat na nga kami sa taas, papuntang classroom namin. Pero sa kasamaang palad, parang naiba na yung mood ko bigla. Dahil sa isang taong nakita ko. Sa lahat ba naman ng oras ngayon pang kay aga-aga? Sa kinamalas-malasan ka nga naman. "Rianne, bilisan mo ang paglakad." Bulong ni Zyles kaya sinunod ko nalang siya.

My Bitter GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon