5 // Xandra

16 0 0
                                    

Chapter 5



"Payatot! Gumising ka na!"Malapit na, konti nalang talaga, maglalapit na.

"Hoy, gising na!"Maglalapit na ang mga labi namin ni Sehun pero biglang sumingit si Chanyeol. Konti nalang. Ayan na, kaso sinuntok bigla ni Chanyeol si Sehun kaya hindi tuloy kami nakapagkiss ni Sehun, ugh!

"ALEXANDRA RIANNE!!"Nagising ang buong diwa ko dahil sa lakas ng sigaw na naririnig ko at syempre sa nararamdaman kong basa ng tubig sa mukha ko.

"Ugh! Kuyaaaaaa! Ano na naman?! 5 minutes!"


"Tumayo ka na diyan! May naghihintay sayo sa baba!" malakas na sabi ng bwisit kong Kuya. Wala naman siyang ibang pampagising sakin kundi spray-an ang mukha ko ng tubig. And for sure, tuwang tuwa na naman 'to.

"Nakakainis, ayun na eh. Ugh! Sa panaginip na nga lang eh," naiinis kong bulong. Ang swerte ko talaga, pinag-aawayan ako ng dalawang gwapong exo member! Ang masakit lang sa panaginip lang pala. At tumayo na nga ako at inayos ang bed ko na punong-puno ng unan ng mga mukha ng exo. Ahihihihi.

Nagayos na nga ako ng sarili ko para pumasok sa school. Baka iwanan ako ng gwapo ko na Kuya. At ayokong bumagsak sa pagco-commute dahil hindi ako marunong.

Habang bumababa ako sa hagdanan ng bahay namin, nagulat ako sa lalaki na nakaupo sa may sofa sa living room. Teka, bakit nandito 'to? Think Rianne. Think. Ano bang ginagawa niya dito? Omg! Sabi nga pala niya kagabi susunduin niya ko ngayong umaga. Pero ng mapatingin ako sa relo ko, 7:00 am palang. Kaya pala pakiramdam ko sabog na sabog pa ako, dahil ang aga pa pala.

"Oh, ang aga pa ah," pagsisimula ko ng paguusap namin.

"Goodmorning! Excited lang. So tara na?" then he wink on me. Tumango nalang ako at dumiretso sa kitchen para kumuha ng sandwich. Nagpaalam narin ako kay Kuya na nakabusangot ang mukha. Ni hindi lang man ako tiningnan. Bwisit na yun.

~x~

Habang nakasakay kami sa kotse niya, ramdam na ramdam ko yung awkwardness. Pakiramdam ko firstime ko makasaya sa sasakyan ng lalaki, kahit alam ko naman hindi. Sadyang iba lang talaga ung pakiramdam ko ngayon.Tsaka hindi naman namin masyadong kilala ang isa't isa, kaya siguro ganto nalang ung pakiramdam ko.

"Ayos ka lang ba Xandra?" Then he smirked. Xandra what? Siya lang ung nagtangkang tumawag sakin nun, most of all kasi Rianne and I don't us to like it. "The eff?! Don't call me Xandra, baka akalain nila na kamaganak ko pa si Kendra at tanungin pa nila na 'if it is real na maganda talaga ko'but I know real na real yun." Sabay irap kong sabi. Pagkatapos nn naramdaman ko ang paggulo niya ng buhok ko. "Don't touch my hair!"

"Ang dami mong sinabi dahil sa pagtawag ko sayo ng Xandra. Hahaha." sabi niya at sabay tumawa. Nakita ko tuloy yung adams apple niya na gumagalaw-galaw. Ang gwapo niya tumawa.

"Alam mo Xandra alam kong gwapo ako, kaya wag mo ng ipagdiinan pa sakin." At ngumisi ulit siya. Ang hangin grabe, namali lang naman ng sabi eh. "Oo na! Manahimik ka na nga." Sabi ko at tinuon nalang ang pansin ko sa pagtingin sa bintana.

After some minutes. Natatanaw ko na yung campus namin. Sa wakas! "Xandra, wag mong hahayaan na may tumawag sayo ng Xandra din ah? Ako lang dapat. Para kapag may narinig kang Xandra na tumawag sayo, malalaman mo na ako agad yun." Then with that he wink. Jusqo po ang fuso ko! Joke lang. Tumango nalang ako kahit labag sa kalooban ko dahil alam ko naman na makaluma yung pangalan kong Alexandra.

My Bitter GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon