Chapter 3
I don't damn care kung sino ang lalaki na yun. Basta ang alam ko lang mayabang siya at mapanlait. Period!
Pero bakit hindi ko siya kilala? Halos lahat ata ng babae dito sa campus kilala siya. Dahil daw sa sikat na banda nila dun sa kabilang campus which is all boys school.
"Alam mo Ria, mag-hunting karin kasi ng gwapo para naman updated ka sa nangyayari. Hindi puro si asjghkczs." Hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi. Hininaan kasi, pero alam ko naman kung sino ang tinutukoy na. Yung taong hindi na dapat pangalanan.
"Zylee Criselda Reyes, hindi.ako.malandi." At sinubo ko na ang burger pagkatapos kong sabihin sakanya yun. I'm not like the girl which others is. "Ms. Alexandra Rianne Cruz, hindi.ko.sinasabi.na.malandi.ka. I'm just saying that you have to meet other persons." At nagtitigan lang kami, na para bang may apoy sa harap namin na talaga namang nagliliyab. Yung init talaga sa pagitan namin. Pareho kasi namin ayaw na tinatawag sa buong pangalan which is so yuck.
But then on, natalo rin siya sa pakikipagtitigan sakin. Siya parin ang unang bibigay saming dalawa. Mas mabilis kasi siya bumigay kaysa sakin. Meaning mas mabait itong si Criselda kaysa sakin. Mwuahahahaha!
"Pero Rianne, wag mong kakalimutan na nadito lang ako ha?"
At nag-iba na nga ang reaksyon niya. Alam ko na 'to. Tungkol na naman sa mga nangyayaring masakit sakin nitong mga nakaraang araw. At tumango nalang ako at pinagpatuloy na namin ang pagkain. Pareho lang kaming tahimik. A-W-K-W-A-R-D.
But then on, I really love this girl. "Salamat Zyles,"
"Always welcome Rianne," Sabay bigay niya ng kyot na kyot na ngiti. Ahihihihi.
Matagal pa naman anfg next class namin kaya tumambay muna kami dito sa KFC. Actually, okay lang sa school namin na lumabas or kumain kami. Basta lang may gate pass. Astig noh? Hahahaha.
Nagkuwentuhan lang kami ni Zylee ng kung anu-ano tungkol sa mga Kpop. We are both fangirls! Hahaha. Pero ng napagawi ang tingin ko sa dulo na may table, napatulala nalang ako bigla.
"Uhm, Ria okay ka lang ba?"
I don't know what to react. "Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong okay ako." At tiningnan rin niya yung gawing dulo kung saan ako nakatingin. Which is sobrang sakit.
"Tara na Rianne, umalis na tayo dito." At nagsimula na ngang tumayo si Zylee, pero ako, alam ko sa sarili ko na ayaw ko pang umalis at gusto ko parin silang panoorin.
Kahit sobrang nasasaktan nako.
"No Zyles, gusto ko pang makita kung paano niya ko pinagpalit."
"Rianne, masasaktan ka lang," Sabi niya at binaba ang bag niya sa may upuan. "Please let me bes,"
BINABASA MO ANG
My Bitter Girlfriend
RomanceBitterness. Happiness. Sobrang laki ng pinagkaiba ng dalawang salitang yaan. Kapag naramadaman mo yung happiness na hinahanap mo, masarap at masaya. Pero kapag nalaman mong may katapusan ang lahat dahil sa ilang pagsasawa, masasaktan ka. at doon pap...