Chapter 4
Bakit ba ganun? Parang ang gulo bigla. Sa pagkakakaalam ko, ang unang meet-up namin ay talaga namang napakasungit niya, tapos nitong mga nakaraang araw para talagang may balak siyang gawin o di kaya naman may gusto talaga sakin 'tong mokong na 'to. Yes, ayoko maging assumera pero wala eh, nagbibigay siya ng motibo kaya ito ako, naga-asume.
Dalawang linggo na ang nakalipas magbuhat ng insidente sa bar nila Zylee. Nalaman ko narin na si Jace nga talaga yun. Siguro may feelings parin siya sakin, kaya bigla nalang susulpot para sundan ako? Hahahaha, assuming again. At nalaman ko rin na kasabayan lang pala namin yung mga kabanda ni Blake sa bar kaya nandun din siya.
At sa loob ng dalawang linggo na nakalipas, lagi na akong kinukulit ng lalaking 'to. Susulpot palagi kapag uwian namin, di kaya naman kapag papasok ako ng gate sa umaga, at syempre walng ibang gusto sabihin kundi ang panget ko daw,tsk.
"What? Sasabihan mo na naman akong pangit?"
"No, gusto ko nga kasing makipag-close sayo," sabi pa niya sabay kindat. Aba't kahit kailan talaga pa-cute din 'to ah. Hmmm, tingnan lang natin.
"Whatever, sasayangin mo lang ang oras mo sakin Mr. Famous Blake, or whatever you call to yourself. Okay? Shooo." At naglakad na nga ako palabas ng gate. Sayang nga lang at hindi ko nakasabay si Zylee ngayon, sabay daw sila ng boyfriend niya eh, kaya ayun hinayaan ko na, kawawa naman si Charles, at kikulit ako. At heto ako ngayon loner forevs.
"Taray brad, tara na nga. Talo ka na naman. Hahahahaha." Dinig kong sabi nung lalaking kabanda ni Blake na may hawak pang gitara sa likod. Pero si paglingon ko ng konti kay Blake mula sa likod ko, using mga peripheral vission, nakita kong naglalakad siya palapit sakin. At naramdaman ko nalang bigla ang akbay niya. Like duh? Feeling close din talaga.
"Close na kasi tayo, pleaseee?" What? Wait, kailan pa gumamit ng please 'tong lalaking 'to? Sa pagkakaalam ko napakayabang at masungit 'to ayun sa first impression ko sakanya, last 2 weeks ago.
"Bakit ba? Sige nga, bigyan mo ko ng isang acceptable reason, teka bitawan mo nga ko!"
"Oo na. Pero kasi iba ka sakanila," at tinuro niya yung nagkukumpulang babae na parang mga jelly fish sa pakikipag-hampasan sa katabi sa sobrang kilig sa katabi ko. Madulas sana sila sa putik.
"So? Yun lang?" bored at mataray kong sagot. "At gusto kitang protektahan," inulit na naman niya, yun ba talaga ang gusto niyang sabihin sakin forever? Hayss, kinabahan naman ako bigla, kaya naglakad na nga ako para makalayo na dito.
Pero pagkatapos ng ilang lakad, naramdaman ko na naman yung akbay niya at pagulo sa buhok ko. Ugh! "So ano, friends na tayo?"
"Pag-iisipan ko pa. Kaya layas na, uuwi nako."
Nakakainis, supeerrr!! Naguguluhan talaga ako, hindi ko parin siya gets kung bakit ba gusto niyang mapalapit sakin. Matatapos na nga ang school year tapos ngayon pa niya gusto makipag-friends?Tsaka kahit gwapo siya, wala naman akong pakielam sa pagpapacute niya sa gusto niyang maging "close" daw kami.
KRING KRING {phone rings}
Zyles Calling...
("Hello bes? Nakauwi ka na ba?") That's my bestfriend na inaalala pa ako kung safe ba akong nakuwi, swerte ko no? Ahihihihihi. "Oo naman noh, kahit iniwan mo ko kapalit ng boyfie mo. Teka nga bakit ka napatawag?"
("May papabili sana ko eh, nakauwi ka na pala,") Okay, assumera ulit. Bakit ba ang assuming ko this day? National assumera day ba ngayon?
"Yun lang pala, sus. Nga pala may utang ka sakin ah!" pagbabanta ko sakanya. Nakakainis naman kasi eh, naguguluhan na namana tuloy ako. ("Bakit? Anong ginawa ko?") sabi niya sa kabilang linya at halata naman na nagulat siya.
"Nung iniwan mo ko kapalit ng boyfie mo kaninang uwian, kimulit na naman ako ng lalaking yun," naalala ko na naman, ugh! Ahuhuhuhu. ("What? Wait... Si Blake Oliver Buenavista?") parang nagulat pa siya or something na na-amazed sa pagkakakaalam niyang si Blake nga. At tumango nalang ako kahit alam ko naman na hindi niya nakikita.
("Ano, nanliligaw na ba? Ahihihihi,") Ligaw? Watdapak!
"Ligaw ka diyan! Ugh, isang bangungot yun Zyles, kaya manahimik ka sa ligaw ligaw thing na yan. Ge na, bye!"
("Waaah~ sandal—") binaba ko na agad ang call, panigurado naman na aasarin at hahaba na naman ang topic namin dahil sa "ligaw thingy" na yan. Kakagaling ko nga lang sa heart break tapos may kapalit agad? Aba't hayaan na muna kong makamove-on ng matino.
Nagbukas nalang ako ng facebook account ko. Pansin ko naman na trending ang milktea ngayon, dahil siguro sa namatay? Hays, pake ko ba. Pakihanap ang ang pake ko? But then on, may bigla nalang nagpop-up na chat message. Kanino pa ba galing? -_______-
Blake Buenavista: Tatawagan kita ah? Sagutin mo, kundi gugulhin ko bukas yang buhok mo.
Rianne Cruz: Whatever.
Seen 8:14 pm
Siya na naman, ano pa bang magagawa ko? Nakakainis kaang may gugulo ng buhok mo, like duh? Tagal tagal kong nagaayos ng buhok tapos guguluhin na naman niya bukas?
KRING KRING {phone rings}
Panget na unggoy Calling...
"What?" bored at mataray ko na namang sagot. ("I miss you,")I miss you daw? Bwisit talaga 'to, sabi na eh may gusto talaga 'to sakin. HAHAHAHA.
"Hay nako Blake sabi na eh, may gusto ka talaga sakin noh?" sabi ko habang natatawa ng konti sa naiisip ko. ("Teka, assumer ka talaga noh? Sa panget mong yan? Hahahahaha, joke lang yun brad. Hahahaha,")
Tama nga ako, National Assumera Day nga ngayon.
"Bwisit. Oo na, bat ka ba napatawag?" Nakakainis talaga! Pahiya na naman ako, lagi naman eh. Yun na ata ang title ko sa buhay. Nakakawalan ng gana.
("Susunduin kita bukas ng umaga ah? Sige bye.")
Toot toot(call end)
Paano niya ko napapayag? Seryoso talaga siya dun?
Uumpisan niya agad sumaga ang pambubulago at pambubwisit sa araw ko? What a nice life for me. Parang ayoko na atang pumasok bukas. For sure, bad day will come.
—x
Author's Note:
Short update, kasi tinatamad ako. Hahaha, thanks for reading!
Dedicated to _boyishnerd sa pagbasa ng THFI tsaka sa paglalagay sa RL niya ng ilang stories ko. Salamat Ate Ands! Mwua :*
BINABASA MO ANG
My Bitter Girlfriend
RomanceBitterness. Happiness. Sobrang laki ng pinagkaiba ng dalawang salitang yaan. Kapag naramadaman mo yung happiness na hinahanap mo, masarap at masaya. Pero kapag nalaman mong may katapusan ang lahat dahil sa ilang pagsasawa, masasaktan ka. at doon pap...