Chapter 7
"Alam mo Rianne, ang babae may mga ganyang tema 'rin talaga sa buhay. Mabilis mahulog, pero syempre mabilis 'rin makatayo. But don't ever worry, natural lang 'yang nararamdaman mo. Kasi nga lalaki kasi siya hindi babae at hindi 'rin bakla. Duh? Hindi siya pwedeng maging bakla dahil akin lang siya. Okay ba Rianne?"
Very funny. Si Madam Bertud nga pala 'yung kausap ko. Sadyang gusto na niyang angkinin si Blake ng walang paalam sa Nanay nito. Pero syempre joke lang 'yun. Ang nagsasabi lang naman ay si Hugot Queen 'kong bestfriend. Ofcourse, sino pa ba, edi si Zyles.
Natural nga naman talaga kasi nga lalaki siya. But then on, itutulog ko nalang 'to. Masyadong mahabang araw ang dinanas ko ngayon. Napagod ako sa paglalakad ng pagkahaba-haba ng utak ko sa kung saan, isama ko pa 'yung puso ko na kabog ng kabog ng todo dahil sa narinig kong mga kanta kanina.
Nasa kalagitnaan na sana ako ng pagi-isleeping beauty ko ng, makarinig ao ng ingay, mula ata sa bintana, sabay pa ng pagtunog 'rin ng phone ko. Kaya inuna ko na tingnan 'yung phone ko, another call from him. Adik na ata talaga 'to sakin e, konti nalang iisipin ko na krass talaga ko ni Blake e.
"What?" walang usong "hi" o "hello" sakin kapag nabasag talaga 'yung tulog ko na malabaso. "Gising ka pa?"
"Hindi, kaluluwa lang 'to ni Rianne,"
Then he laughed. "Tingin ka sa bintana mo," At ayun, nakita ko siya na hawak 'yung phone niya na nakatapat sa tenga niya, sabay sandal sa kotse niya. Ano kaya talagang trip ng isang 'to? Nawala tuloy bigla 'yung antok ko.
"Oh tapos? Titigan tayo, ganoon?"
"Ikaw talaga Xandra! Napakapilosopo mo talaga e,"
I'm super sleepy, ugh! "You know what Blakey, kung wala kang sasabihing maganda ibababa ko na 'to at umalis ka na, kasi inaantok na talaga ako," At bigla nalang nanahimik 'yung kabilang linya, nakita ko naman siya na parang nagiisip ng kung ano sa baba. Pero pagkatapos nun, nagsalita naman siya na siyang kinagulat ko.
Yeah, thoughts will always be a thought, and always it can be wrong.
"Can I court you?" hindi na ako nakapagsalita pa, parang nalunok bigla 'yung dila ko. Nakita ko pa siyang pilit na tumitingin sa bintana ko. Ramdam ko na 'yung katahimikan bigla.
"Blake, seryoso ka talaga diyan?" childish, kunwaring hindi alam, pabebe ng konti kahit alam ko naman na 'yung ganito. "Malamang Xandra, gusto kita." Oh my gosh, ramdam ko na naman 'yung pinaka-symptoms nito. Ano na naman ba kaya 'to? Ilang buwan palang 'yung nakakalipas ah?
I decided to go out. Mas mabuti pang harap-harapan. Panigurado naman na tulog narin naman si Kuya.
Kinakabahan talaga ko. This is not my first time pero nakakaba parin pala. "Blake naman,"
"I'm serious Xandra, can I court you?" Naramdaman ko na naman ulit, Halos paulit-ulit lang. "Blake, hindi naman sa ayaw ko sa'yo pero, ilang buwan palang Blake, di pa ako ready for some another relationship,"
"I understand, pero sa ayaw at sa gusto mo liligawan ka parin ni poging Blake, kahit gaano pa katagal 'yang pagmo-move on na kaartehan mo," Natawa nalang ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga, abnormal parin 'to. Wala nalang akong sinabi pa, bahala na siya sa gusto niya. Siya 'rin naman ang mahihirapan at hindi ako.
Hindi sa paasa ako o ano, pero ayoko lang ng may masira sa closeness namin. "Sige na, gabi na Blake, ingat ah? Salamat sa kalandian mong pangbubulabog," then he just laugh again, no pain, no awkwardness. Ganyan ang friendship namin.
Bago pa siya makasakay, lumapit siya sakin. Hinawakan niya 'yung mga pisngi ko, sabay halik sa noo ko.
"Goodnight Xandra,"
~x~
Kahit ganoon, naging masaya ko pero syempre kinabahan at nagulat 'rin. Iba parin kasi na 'yung kaibigan mo na nagconfess sa'yo bigla. Kahit nung mga nakaraang araw 'rin naman, ramdam ko na 'yung pagkaparanoid niya palagi. Sabi na talaga e, krass ako nito. HAHAHAHA
Pero kung ang 'moving-on-portion' ko naman, ayun medyo ayos naman na ako. Nakakalimot naman sandali, pero syempre kapag nakikita ko si Jace, bumabalik at bumabalik na naman 'yung mga memories na nabuo namin. Ang hirap talaga kapag halos araw-araw mo nakikita 'yung ex mo. 'Yung 'ex' 'mong inakala 'mong si forever at tatanggapin ka ng tunay. Akala nga lang pala.
3 am narin ng madaling araw. Mukha na naman akong adik nito bukas sa klase. Hindi na naman kasi ako makatulog kakaisip, kung anong nakain ni Blake at gusto niya 'raw ako. Hindi ko naman inasahan na tatablan 'rin pala siya ng kamandag ko.
At napagisipan ko nalang mag-open ng fb account ko. Tutal, wala 'rin naman akong magagwa dahil nga hindi pa ako makatulog dahil sa mga nangyari.
Felicity Cruz shared Marcelo Santos III's post:
"BABALA: Wag mahuhulog sa mga sweet words ng mga manloloko, nakakamatay."
Nakamatay. Yeah, agree with this. Hahahaha. Pero wala eh, may mga tao parin na kahit sakyan o mag-go with the flow lang sila sa mga sweet words or moves ng mga paasa o manloloko, bandang huli mahuhulog 'rin. Pero syempre may mga tao 'rin naman na nililimitahan ang sarili nila.
Pero kahit ganoon, wala parin namang forever sa lovelife.
----x
Author's Note:
Yay! Short and a long update. Dala ng sakit ng katamaran at school probs. Thaks for reading! :D
BINABASA MO ANG
My Bitter Girlfriend
RomanceBitterness. Happiness. Sobrang laki ng pinagkaiba ng dalawang salitang yaan. Kapag naramadaman mo yung happiness na hinahanap mo, masarap at masaya. Pero kapag nalaman mong may katapusan ang lahat dahil sa ilang pagsasawa, masasaktan ka. at doon pap...