Nagpatuloy si Don Fernando Moxford sa pagpapaliwanag sa mga kapatid. "Pinalaki ko sila sa sitwasyon na ito. Mga mababait ang mga anak ko. Tingin ko, na-trauma rin sila nilang maging ganito na lang kami. Wala nang ibang taong malapit sa amin."
"At ano kayong-kayo lang ang nag-aaway, ganoon? Kayo-kayo na lang ang laging nagkikita. Jusko naman, Fernando. Para mo na rin sinasabi hindi na madudugtungan ang inyong lahi, e." Sabi ni Dhaniel.
"Kayo na lang ang magpalago ng lahi natin, mga kuya. Tutal, Hindi ninyo pa naranasan ang naranasan namin."
"Fernando, nahihirapan din kami dahil sa aming mga temper. Itong si Severos nga hindi ba muntik na niyang mapatay sa suntok ang panganay na anak niya? Na-comatose, mabuti nagising pa." Sabi ni Dhaniel. Totoo naman na muntik mapatay ang panganay na anak ni Severos.
"Oo nga, Fernando. Takot na takot na takot din ako noon. Sobrang guilty din ako. Pero nakabangon kami. Hindi kami sumuko." Dugtong ni Severos sa sinabi ni Dhaniel.
"Kuntento na kami dito, mga kuya. Maaring hindi masaya pero kuntento. Wala kaming inaalala na maapektuhan ng aming temper. Bihirang-bihira kaming makisalamuha sa ibang tao kaya konti lang ang posibilidad na may makaaway kami at may mabibiktima na naman sa init ng aming ulo." Matatag pa rin si Fernando sa kanyang paninindigan.
Napaismid si Severos. "Bahala na nga kayo! Sa ayaw mong makinig sa amin e!"
"Sayang ang mga barako mo, Fernando! Katulad din pa sila ng mga anak namin, makikisig, matitikas at matatalino! Pero tatanda lang palang binata!" Napapailing si Dhaniel.
"Basta ako, I'm proud of my sons. Pinatunayan nilang sa pamumuhay namin dito sa Hacienda De Moxford ay hindi namin kailangan ng mga katulong. We're practically on our own." - Don Fernando.
"Heto na pala ang mga anak mo." Napatayo nang tuwid si Severos nang makita ang mga pamangkin.
Ang panganay ay si Zharco Von Moxford, twenty-eight years old.
Sumunod naman si Jonathan Darius Moxford, twenty-seven years old.
Pangatlo si Xhander Allen Moxford, twenty-six years old.
Pang-Apat si Xhavier Down Moxford, twenty-four years old.
Ang Panglima ay si Xhero Lhaurence Moxford, twenty-two years old.
Pang-apat si Lhaurent Cyrus Moxford, twenty years old.
At ang bunso si Lohr James Moxford, nineteen years old.
Nagsipagmano ang mga ito sa mga tiyuhin nila.
"Kamusta mga pamangkin? Hindi ba kayo nahihirapan dito, ang laki-laki nitong Hacienda ninyo, kayo lang ang nagtatrabaho?" Tanong ni Dhaniel.
"It's always a challenge, Tito Dhaniel. Besides, mga makabago naman ang mga gamit, it helps a lot naman po." Sagot ni Darius.
"Saan ka ba nakatoka, Zharco?" Curious lang si Dhaniel.
"Binubungkal ko ang mga lupa, Tito Dhaniel. Pero syempre, ang gamit ko ay ang pinaka-latest na plowing machine. May apat kami nito. Ang laki ng kapasidad ng trabaho bawat traktora namin." Sagot ni Zharco.
"Ikaw naman, Darius. Ano ang nakatokang trabaho dito sa Hacienda ninyo?"
"Tagatanim po ang aking trabaho dito sa Hacienda, Tito Severos. Palay, Fruit trees and gulay." Sagot ni Darius.
"Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo pamangkin? Tsaka kaya mong mag-isa?" Gilalas si Dhaniel.
"Kung may libreng oras ang mga kapatid ko at si Papa, tinutulungan naman nila ako. Pero kahit ako lang mag-isa, I can do it naman po."
"Dahil ba high tech na rin ang pagtatanim mo?" Tanong ni Severos.
"Of course, Tito Severos. Lahat ng mga makina namin dito'y pinakauso sa Japan. We're the modern farmers." Nakangising sagot ni Darius.
"Ikaw naman, Xhander... Ano ang trabaho mo dito sa Hacienda?"
"In charge po ako sa aming limampung baka, Tito Dhaniel. Kaya nga ang pinatapos na kurso sa akin ni Papa ay may kinalaman sa mga hayop. Beterinaryo po ang kinuha kong kurso."
Napailing lang si Dhaniel. "I can't believe it. Limampung baka, inaalagaan ninyo dito?"
"Manganganak pa ang iba, Tito Dhaniel. Kaya marami ang madadagdag." Nakangiting dugtong ni Xhander.
Nagboluntaryo na si Xhander sa kanyang impormasyon. "I'm in-charge ng palaisdaan. Tinutulungan din nila ako if they have time. Iyan naman ang usapan. Kapag maraming kamay ang kailangan, we have to help each other."
"At ako ang nagpapatakbo ng napakali naming manukan. It's making lot of money!" Halos pagyayabang ni Xhavier sa kanyang mga tiyuhin.
"Me, sa babuyan naman. You know kung ilang baboy kami ngayon, mga dito?" Sabad ni Xhero.
"Ilan pamangkin?" Tanong naman ni Severos.
"More than four hundred. Ang baho doon sa babuyan. Pero sanay naman ako. Malayo naman iyon dito sa Hacienda that's why hindi ninyo naaamoy."
"Don't you wish na sana at may mga katulong kayo. Para Hindi naman kailangang ikaw pa ang naglilinis ng mga dumi ng baboy, Hindi ba Pamangkin." Naaawa na talaga sa pamangkin si Severos.
Ang kanilang mga anak ni Dhaniel at Severos sa Maynila ay hindi nakakaabot kahit dumi ng daga.
Tinawanan lang si Xhero ang comment ng tiyuhin niya.
"Don't worry, Tito Severos. It doesn't kill naman po. I just wear a mask. Saka very modern din ang babuyan namin, gaya ng manukan. May mga automatic gadgets. Isang pisa lang, ang mga dumi ay kusang natatapon sa mga tangke sa ilalim."
"Kayo naman, Cyrus at James... May mga responsibilidad ding mabibigat katulad ng mga kapatid ninyo?" Tanong naman ni Dhaniel sa dalawang pamangkin niya.
"Wala po, Tito Dhaniel. Nag-aaral pa kami ni James sa all-boys college sa bayan." Sagot ni Cyrus.
"Mabuti nama at nag-aaral kayo. " Nakahinga nang maluwag si Severos.
"Hindi ko naman ikokompromiso ang edukasyon nila, mga kuya. Tapos na ang lima kong anak... itong dalawa ay makakatapos din, Then saka ko sila binigyan ng responsibilidad dito sa Hacienda." Pagpapaliwanag ni Don Fernando Moxford sa mga kuya niya.
"Hindi parin naman pala totally na ikinukulong mo dito sa Hacienda ang iyong mag anak, Fernando." Malumanay na si Severos.
"Hindi pa nga. Limitadung-limitado lamang talaga ang contact nila sa labas ng Hacienda. Lalo na ang lima kong anak na pumipirmi na lamang sa mga responsibilidad nila dito sa Hacienda."
______
Its_AudreyBelle11| AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)
RomanceZharco Von Moxford and Sunshine Vianna Rylla Geraños love story _______ Date: April 18, 2021 Date Finished: December 26, 2021