Chapter 17

48 8 0
                                    

Nang araw na iyon ay may problema sa mga baka.

Namatay kasi ang dalawang baka at minamadali nga nina Xhander at Darius ang paglilibing para mawala na ang mga bangaw.

Nalingat naman si Xhander.

Naiwanang bukas ang kuwadra.

Nang may dalawang baka nakalabas, sumunod pa ang iba pa.

Nataranta ang magkapatid, hindi malaman kung ilan sa mga baka ang uunahing ibalik sa kuwadra.

Nakarating ang mga ito sa field, doon kina Zharco naman na nagtatraktora ng lupa.

Si Zharco ay na-caught off-guard sa paglitaw ng dalawang baka sa tapat nila. Nabigla ang kanyang pagpreno. 

Si Rylla na katabi niya ay na-out of balance. Pero hindi naman ito nahulog dahil nahawakan kaagad ito ni Zharco. Ang nahulog ay ang earphone at cellphone ni Rylla. Sa lupa ito nahulog.

Makikipag-unahan sana ang kinakabahang si Rylla sa pagdampot ng kanyang cellphone pero mas mabilis si Zharco.

Tinalon lang ito ang lupa mula sa kanyang traktora at ilang saglit pa ay dinadampot na nito ang cellphone at earphone ng dalaga.

Nang nahawakan na ni Zharco ang bagay na iyon, natigilan nang husto ang binata. Tahimik na tahimik ang earphone.

Masama siyang napatingin sa dalaga. Ang pamumutla ng magandang mukha ni Rylla ang nagpapatibay ng hinala ni Zharco.

Naibato ni Zharco sa lupa ang kanyang cellphone at earphone. At hinarap niya si Rylla, ang lakas-lakas ng kanyang sigaw. "BULLSH*T!"

Nanginginig sa takot si Rylla. Ngayon lamang niya nasaksihan ang walang katulad na galit ng isang Moxford.

Hindi pa pala kuntento si Zharco sa natuklasan. Kailangan pa nito ng dagdag na katibayan.

Tinakbo ng binatang Moxford ang malayo-layo rin naman nilang mansyon. Kahit nakasalubong niya ang kanyang Papa ay ni hindi niya ito pinansin.

Ang madilim na mukha ni Zharco ay isang babala. Alam kaagad ni Don Fernando na may nangyari at hindi ito madaling ayusin.

Sumunod na lamang siya sa anak na ngayon ay galit na galit.

Sa silid ni Rylla ang direksiyon nito. At sa halip na buksan ng maayos ang pinto ng silid, tinadyakan ito ni Zharco.

Pati sina  Xhavier, Lohr, Cyrus at Xhero na nagkataong nasa bahay noon, napasunod na rin sa kanilang kuya at papa.

"Ano ang nangyari?" Bulong na tanong ni Xhero kay Xhavier.

"Abay ewan ko. Malalaman natin." Sagot ni Xhavier.

Nakita nilang galit na hinila ni Zharco  ang malaking box mula sa ilalim ng tokadora na ginagamit ni Rylla.

Nag box ng mga batteries na si Zharco pa ang bumili sa bayan, para sa cellphone ni Rylla.

Galit na binuksan ni Zharco ang takip ng box. Nakita nilang lahat na punong-puno pa ng batteries ang box, halos hindi nababawasan.

Nauunawaan nina Don Fernando, Xhavier, Lohr, Cyrus at Xhero ang ibig sabihin nito.

"Iho, niloloko ba tayo ni Rylla? Halos hindi nagagamit ang mga batteries, lagi palang off ang kanyang cellphone at naririnig niya tayo?" Patanong man ang sinabi ni Don Fernando ay alam na rin niya ang totoo kahit hindi na siya sasagutin ni Zharco.

"Mautak pala 'yon, 'no? Naisahan tayo, Kuya Zharco!" Galit na sabi ni Cyrus

"Sinaway niya ang kagustuhan ninyo, Papa... Kuya Zharco." Halatang galit na rin si Lohr kay Rylla.

"What's going on?" Tanong ni Darius na kararating lang sa bahay nila.

"Ang istrangherang bisita natin, napaglalangan tayo!" Galit na may kasamang hiyaw ang sagot ni Zharco.

_________________________________________

A/N: I'm sorry for not uploading for a while. I've been having hard time making this story. I have days when I have a big brain idea and most days having a small brain, you know? I feel like that.

Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon