Nagising si Rylla nang hating gabi. Namamahay nga rin siguro siya. Pero may gumugulo sa kanyang isip kaya siya nagising.
No. Hindi ang kanyang paglalayas. Handa siya dito, eh. Hindi niya pinagsisihan ang kanyang disisyon.
Mag-uumaga na. At aalis na siya sa bahay na ito or rather, iaalis na siya ni Zharco sa bahay na ito.
Ito rin ang kagustuhan ng ibang Moxford. Wala siyang lugar dito. Makaka-distract siya sa buhay ng mga ito.
Bakit ba parang nadudurog ang kanyang puso? Hindi ba niya matanggap na kay-ikli lamang ng ibinigay na panahon sa kanya?
Kapag natunton siya ni Hudas na nag-iisa, he can always have her back. Iyan naman talaga ang ikinatatakot niya, eh. Matapang siya but she is nothing when alone.
What's the use hiding? Na hindi rin naman magtatagal ay matutunton nga rin siya?
The perfect situation sana ay nobyo na niya si Zharco at dito talaga siya nakatira sa Hacienda De Moxford.
Nasisiguro niyang kahit barumbado si Hudas ay babahag ang buntot nito sa temper ng mga Moxford. She must not go then. Mismong ang pangit na reputasyon ng mga Moxford sa kanilang katopakan ang magliligtas sa kanya sa kamay ni Hudas.
Napatingin si Rylla sa kanyang earphone at cellphone. Ito ang solusyon. I'll talk to all of then tomorrow. Disidido na sa naisip si Rylla.
***
NAKIPAGPULONG nga si Rylla sa mga Moxford kinabukasan. Napakalakas ng kanyang loob.
"Look, Young lady. Whatever you'll say, say them immediately. Ang dami naming trabaho. Alam mo na naman, wala kaming mga katulong o magtiwala dito sa Hacienda. We do all works." Pag-aapura ni Don Fernando kay Rylla pero binabasa lamang ni Rylla ang bibig ni Don Fernando kaya niya ito naintindihan.
Napalunok si Rylla.
Pagkatapos ay matatag na magsalita. "I did it for one night, I can do it forever. Just let me stay with you. At habang naririto ako, lagi akong may earphone sa mga teynga. Hindi ko kayo maririnig kahit sinusumpong na kayo ng inyong mga tempers."
Nag-angalan ang mga Moxford. Galit na galit. Pero and mga matatalas na salitang lumabas sa kanilang mga bibig ay hindi naririnig ni Rylla. Dahil nga naka-on ang kanyang music.
"See, Kuya Zharco? Nawili na! Hindi mo na mapapaalis!" Angal ni Xhero.
"Bakit ba ako ang sinisisi mo sa takbo ng utak ng babaing iyan, ha, Xhero?" Gigil na tanong ni Zharco.
"Sa iyo nakasandal iyan, eh!" Sigaw ni Xhero.
"Huwag mo siyang ikonekta sa akin Xhero!" Napakalakas ng boses ni Zharco.
"Magpasya ka na ngayon, Kuya Zharco. Keep her or throw her out?" Tanong ni Xhavier.
"Hindi ako ang magpasya, Xhavier. Si Papa!" Tumingin si Zharco kay Don Fernando.
Napakurap-kurap si Don Fernando Moxford. "Ako? Bakit ako?"
"She listen to you, Papa. May big admiration siya sa inyo." Nambola na ng konti si Zharco.
"Oh, dear... this is very hard!" Ang malambot na puso ni Don Fernando ay ngayon lang yata lumitaw.
"Ano man ang inyong pasya, iyon ang masusunod, Papa." Tuluyan na talagang inilagay ni Zharco nang buo sa kamay ng ama ang kapalaran ng dalaga.
"Lagi kamo niyang suot ang kanyang earphone, ha? Laging naka-on ang music. Very clever."
"She can't her us nga naman. Kahit tayo magsisigawan at magbabasagan ng gamit." Sabi ni James.
"Makukunsensya ako, if something happend to this young lady. At hindi ako matatahimik kapag napilit siyang magpakasal sa anak ng step-dad niya."
Walang sumagot sa Magka-kapatid na Moxford sa sinabi ng ama. They won't even give a hint kung ano ang assessment nila sa bagong kahilingan ng bisita nilang istranghera.
"Sige na nga! Basta walang alisan ng earphone 'kamo! And again, mag-isip na siya nang husto kung ano talaga ang gusto niya sa buhay! Hindi pupuwedeng sasandal siya sa atin! Kailangang makatuklas siya ng tapang para lumaban sa anak ng kanyang step-dad!"
"Eh, Papa... para siguro marinig ka niya, ipatanggal muna natin ang earphone niya." Nag-suggest si Zharco.
Sumenyas si Don Fernando kay Rylla. Sumunod naman kaagad si Rylla. At inulit ni Don Fernando ang sinabi niya kanina. Sa sobrang tuwa ni Rylla ay niyakap ng mahigpit ang ama ni binata. Sinaway na siya ni Zharco.
"Hindi katanggap-tanggap sa amin ang ganyan. We're not used to that kind of showing your appriciation."
Natameme naman si Rylla.
"Sorry po."
"Remember this, Rylla... ngayon ko na lang sasabihin sa iyo ito dahil ngayon mo lang ako maririnig nang husto. Ang buhay mo dito sa Hacienda at iyang earphone mo. You take that out you're out from here, understand?"
"I understand, Zharco. At pangako, kahit tulog ako, may yakap pa rin ang mga tenga ko. I'll never hear the things you say." Taimtim naman na nangako si Rylla.
Pati ang ibang Moxford ay tumango na rin. Tuwang-tuwa si Rylla. Para sa kanya ay binigyan siya ng isang napakagandang pribilehiyo ng langit.
Living with the Moxford but not being able to listen to them?
Pero okay lang. Basta makikita niya ang mga ito, lalo na si Zharco. Si Zharco talaga ang pinakamahalaga sa lahat. Aaminin na niya sa sarili na nai-inlove na yata siya sa binatang Moxford. Kahit suplado at istrikto.
_____
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)
RomanceZharco Von Moxford and Sunshine Vianna Rylla Geraños love story _______ Date: April 18, 2021 Date Finished: December 26, 2021