SA ARAW ay sadyang nagpupunta pa si Rylla sa plaza at mga pasyalan sa bayan. Buo naman kasi ang paniniwala ng dalaga na sooner or later ay mapapatawad siya ng mga Moxford. Na siya ay hahanapin siya ng binata para mahalin na habambuhay.
Ang panloloko niyang ginawa sa mga Moxford ay mapapatawad ng mga ito, dahil mauunawaan ng mga Moxford na siya naman ay umakto lamang bilang prisoner sa haciendang iyon at kung malalaman na rin ng mga ito na siya naman ay labis ding in love kay Zharco, siya ba ay kamumuhian pa?
Gayung klaro namang ang feeling nila ni Zharco ay mutual, pareho silang nagmamahal sa isa't isa?
Sa panglimang araw ng pagpasyal ni Rylla sa plaza ng bayan ay may dumating nga, na siya ang hinahanap. Kaso hindi si Zharco.
Kundi ang taong tinatakasan nga niya at kinasusuklaman---si Hudas!
Si Hudas na ang nais ay makasal silang dalawa pa hindi na raw mapunta sa iba ang yaman ng mga magulang.
Kasama ni Hudas ang apat na tauhan na mga mukhang hindi pahuhuli nang buhay. Agad siyang naisakay ng mga ito sa kotse ni Hudas.
Nagbanta agad si Hudas habang katabi na niya ito sa sasakyang tinted. "Dalawa lang ang pipiliin mo, Rylla. marry me or die, Tigok ka kapag hindi ka nagpakasal sa akin!"
Kinalibutan bigla si Rylla sa sinabi ni Hudas. Ang patalim na hawak ng binata ay dumuduro na kasi sa kanyang leeg. Nadala siya ni Hudas sa Manila, sa malaking bahay ng kanyang ina at ama ni Hudas. Siguro ay hindi mapakali sa kabilang buhay ang mga magulang niya. Natitiyak din ni Rylla na tutol sa ganitong sapilitang pagpapakasal. Pero kailangang magpakatatag siya, hindi siya susuko kay Hudas.
Gagamitin niya ito ng utak. May plano siya kung paano siya tatakas kay Hudas. Ang ikinululungkot niya ay hidni dumating si Zharco, hindi siya hinanap sa bayan. Nahuli lang kaya ang binata o wala talagang balak na bisitahin siya?
IYON ang nangyari kay Zharco matapos ang ilang araw na pag-urung-sulong ng damdamin ay sumuko na ri sa katotohanan na siya ay nagmamahal kay Rylla. Na ang nagawa nitong panloloko ay hindi pala niya dapat ikinasuklam.
Kasi ay pinatunayan ni Rylla na ang kanila palang temper ay kayang tiisin nito, na ito ay hindi pala basta nayayanig sa kanila. Ano pa ba ang dapat gawin ni Zharco kundi ipaglaban ang kayang pagmamahal.
Ang totoo ay napahiya lang naman siya kay Rylla, diba? Kung tutuusin ay hindi malaking krimen ang ginawa nitong pandaraya.
Natunton ni Zharco ang bahay na nirentahan ni Rylla sa bayan.
"Dito po ba tumira si Rylla?" Tanong niya sa matanda.
"Oo, iho. dito nga tumira si Rylla. Naiwan pa nga ang mga damit niya dito, eh. Baka hindi na siya bumalik dito." sagot ng matanda.
"San po ba raw pupunta?" takang tanong niya.
"Nagpasyal lang sa plaza, gaya ng ginagawa niya tuwing hapon. Kung paniniwalaan ang bali-balita, may nakakita raw kay Rylla na parang sapilitang pinasakay ng apat na lalaki sa kotse..."
"Damn! Naunahan ako ni Hudas!"
"Sinong Hudas, iho?"
"Saka na po tayo magkuwentuhan, manang. Diyan muna ho ang mga gamit ni Rylla."
"Sige, iho... sana nga ay matagpuan mo si Rylla. Mukha ka namang close kayong dalawa."
SINABI agad ni Zharco sa pamilya ang pinakahuling balita tungkol sa dalaga.
"Ano ang plano mo ngayon, Son?" tanong ni Don Fernando sa anak niya.
"Hindi ko po alam kung saan hahanapin si Rylla, Papa."
"Kung totoo ang sabi ni Rylla, na siya ay nais pakasalan ng Hudas iyon, siguro naman ay safe to say na hindi naman papatayin ng Hudas iyon si Rylla, diba Son?"
"Can't you see, Dad. ayaw ni Rylla sa Hudas iyon..."
"I know. Palaga ko'y gagawa ng paraan si Rylla para hindi mapakasal sa lalaking iyon..."
"You believe so, Dad?"
"Base sa karanasan ko sa paghusga sa tao, si Rylla ang babaing lulusot at lulusot sa masamang plano ni Hudas iyon."
Napabuntong-hininga na lang si Zharco.
"Iho, napagkasunduan na naming mga kapatid mo na ikaw ay magbabakasyon sa mga Tiyo Dhaniel mo, sa manila."
"What? Dahil baka naroon na sa Manila si Rylla, Papa?"
"Nagkataon lang naman. Ang plano naming mga kapatid mo ay mag-relax ka sa Manila. Baka nga naroon si Rylla, hanapin mo na rin siya, iho!"
"Iyan naman talaga ang plano ko, Papa. Hindi ko na isusuko ang pagmamahal ko kay Rylla."
"Ang tanong... mahal ka ba ni Rylla?"
"Papa, dama ko ho na mahal ako ni Rylla. My heart tells me she also love me."
Napangiti si Don Fernando. "Kung ganon dalhin mo ang blessing ko,hanapin mo siya at pakasalan mo agad!"
Determinadong umalis na nga si Zharco para hanapin sa Manila ang babaing nagpatibok sa kanyang puso.
___________
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)
RomanceZharco Von Moxford and Sunshine Vianna Rylla Geraños love story _______ Date: April 18, 2021 Date Finished: December 26, 2021