Chapter 9

47 10 0
                                    

Gutom na gutom na talaga siya. She is counting.  Pagkatapos niyang magbilang hanggang five hundred at hindi pa rin siya ipinatawag para sa dinner, lalabas na siya at maghahanap ng pagkain sa kusina ng mga Moxford.

Masama siyang magutom, ano?

Nagulat siya na biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya.

Napabalikwas siya ng bangon.

"Hey, can't you knock?" Nakabunyangyang lang siya sa kama.

Galit na sumagot si Zharco pero paano niya maririnig?

Ang lakas din yata ng music sa kanyang cellphone.

Sumenyas-senyas si Zharco. Itinuro ang kanyang earphone pagkatapos ay itinuro ang pinto, at kumatok pa dito.

"Ay kumatok ka pala pero hindi ko lang narinig?" Naintindihan ni Rylla ang mga senyas nito.

Tumango si Zharco, namaywang.  Para bang aburidung-aburido na sa kanya.

Bumalik naman ang inis niya. "Kasalanan ko ba yon? Eh, ayaw ninyo ngang nagtanggal ako ng earphone, Hindi ba?"

Tumango lang si Zharco. Muli itong sumenyas. Kakain na raw.

"Yes kakain na! Gutom na talaga ako, eh. Akala ko nga ay nakalimutan na ninyo akong pakainin." Sabi niya sabay pout.

Napangiwi si Zharco. Ang lakas na naman kasi ng pagsasalita ni Rylla.

Umismid si Rylla. "Sorry kung nabibingi ka sa mga sagot ko! Paano ko titimplahin ang volume ng bose ko Eh, hindi ko nga naririnig!"

Sa malaking dining room silakumain  nagpunta. Naghihintay na ang iba pang Moxford, lahat ay nakapormal na naman ang mukha.

Halatang sila man ay naaasiwa rin na ang estrangherang nasa kanilang pamamahay ay laging nakikinig na lamang sa musika.

Hinihintay ng mga ito na makaupo sila ni Zharco. Nasa tabi siya ni Zharco. Ang nasa kaliwa naman niya ay si Darius.

Nag-sign of the cross ang mga Moxford.  Magdadasal din ba siya habang ang lakas-lakas ng awitin ng Maroon 5 sa kanyang dalawang tenga.

Mahirap isabay ang dasal na kay taas-taas. Tapos nang magdasal ang mga Moxford. Sinenyasan siya ni Don Fernando Moxford na kumain na.

Hindi na naghintay si Rylla ng pangalawang pag-alok, bumanat na siya ng kain. Kitang-kita walang kalaman-laman ang kanyang tiyan by the way she stuff her mouth with foods.

Habang kumakanta ang Little Mix ng Confetti... humahataw naman nang kain si Rylla.

Wala siyang pakialam kung ano ang pinagkukuwentuhan ng mga Moxford. Hindi naman kasi niya naririnig.

Kampante ring nagdidikusyon ang mga Moxford dahil nga sa pagkakaalam nila'y nababakuran ng loud music from her earphone ni Rylla.

"Damn! This is really weird! Hindi na ito dapat mauulit, Kuya Zharco. Look at her! Nakakatawa siya, hindi ba mga kuyas? Nakakainis din!" Gigil na inginuso ni Darius so Rylla.

"And your bleaming me? Bakit hindi man lang ninyo iniisip, maybe her coming has a meaning. Baka ang mensaheng gustong iparating sa atin ng Diyos ay humanda tayo sa marami pang pagsubok." Sininghal ni Zharco ang kapatid na sumunod sa kanya.

"Oh, please... huwag mo namang ikundisyon ang isip natin na marami pang maliligaw dito sa atin na babae!" Xhander glared at his eldest brother.

"Kung kayo ang nasa katayuan ko, iiwan ninyo siya doon sa kalsada?" Hamon ni Zharco.

Walang nakasagot.

Naiiling si Don Fernando Moxford. "That's enough! Kanina pa ang away na iyan. Paulit-ulit lang naman."

"Kung naririnig tayo niyan, baka na-nervous breakdown na iyan." Si Xhavier ang sumalo, looking at the young lady na kumukuha ng rice at ulam, pang-limang serving na nito.

"Look at her ang lakas namang kumain niyan, Kuya Zharco! Ilang araw ba itong ginutom sa kanila?!" Natatawa si Cyrus.

"Maghapon sigurong hindi nakakain iyan. Huwag mo ngang tingnan, Cyrus. Baka maku-conscious. We have to let her eat in peace." Sinita ni Zharco.

"Kung ihahatid mo siya sa bayan, Kuya Zharco. Saan siya titira doon?" Madali pang maawa si James, pinakabata kasi, malambot pa nang konti ang puso.

"That's her own problem." Pagkikibit-balikat ni Zharco.

"I do agree, Son." Sumegunda naman ni Don Fernando sa anak.

Pero si Zharco ay lihim na nababahala ngayon pa lang. Hindi nga niya maintindihan, eh. Tingin naman niya sa babaing ito ay isang useless distraction.

Pero kahit sa isip pa nga lamang niya nakikita na si Rylla at naghahanap nang matutuluyan sa bayan, matindi na ang kanyang pag-aalala.

But why should he worry about her? She is just a stranger na walang puwang sa kanilang pamilya.

Bukas ay mas matigas na ang kanyang puso.

_________

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon